Gamit ang Venn diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo.
• Isang uri ng paglalahad at isinasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon.
• Ito ay naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
• Ito ay naglalayong magpinta ng isang matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
• Ito ay inihahalintulad sa isang larawan na kung saan kapag Nakita ito ng tumitingin ay para na din nilang Nakita ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Ngunit sa halip na pintura o pangkulay ang salita ang ginagamit ng mga manunulat upang lubos na maipakita sa isipan ng mambabasa ang isang larawan ng isang bagay, tao, pook, hayop,pangyayari, larawan, tagpuan, mga kilos o galaw o anumang.
• Ito ay tumutulong upang mabigyang buhay ang imahinasyon ng isang mambabasa.
• Ito ay naglalarawan o nagbibigay ng teknikal na detalye.
Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang uri, ito ay ang:
1. Karaniwan
• Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
2. Masining
• Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay,tayutay at idyoma. Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pang malas ng may akda.
KARANIWANG PAGLALARAWAN
• Maganda si Marcha, Hugis puso ang kanyang mukha at may mamula-mulang pisngi at labi. Mayroon din siyang biloy sa kanyang pisngi, may matangos na Ilong at may makapal na pilik mata at kilay. Mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang balikat na kinulayan ng kulay dilaw. Siya ay matangkad at may balingkinitang katawan. MASINING NA PAGLALARAWAN
• Muling nabuhay si Grace sa katauhan ni Marcha. Ang hugis puso niyang mukha na tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng anak ni Adan. Mayroon siyang ginintuaang buhok na abot hanggang balikat.
Mga Uri ng Paglalarawan:
Ang obetibo ay tiyak na paglalarawan samantalang ang subetibo ay paglalarawan ayon sa sariling saloobin at opinyon.
Ang obetibo ay tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa totoong buhay. Ito ang uri ng paglalarawan batay sa totoong nakikita, nadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan.
Mga Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isang bansang maraming likas na yaman.
Ang Covid - 19 ay isang nakamamatay na sakit.
Ang subetibo ay paglalarawan na isinulat ng malinaw at may damdamin ngunit hindi nakabatay sa totong buhay. Ito ay paglalarawan na hindi makikita ng kongkreto ang imahe o larawang isinasaad ng manunulat. Karaniwan ay gumagamit ng mga matalinhagang mga pahayag.
Mga Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isang bansang kaakit - akit.
Ang mga mabalasik na mga kabataan ay hindi kailanman magkasakit ng Covid - 19.
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
Answers & Comments
Verified answer
Gabay sa Pagsagot:
TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Isang uri ng paglalahad at isinasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon.
• Ito ay naglalarawan ng tao, bagay, pook at pangyayari.
• Ito ay naglalayong magpinta ng isang matingkad at detalyadong imahen na makapupukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
• Ito ay inihahalintulad sa isang larawan na kung saan kapag Nakita ito ng tumitingin ay para na din nilang Nakita ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Ngunit sa halip na pintura o pangkulay ang salita ang ginagamit ng mga manunulat upang lubos na maipakita sa isipan ng mambabasa ang isang larawan ng isang bagay, tao, pook, hayop,pangyayari, larawan, tagpuan, mga kilos o galaw o anumang.
• Ito ay tumutulong upang mabigyang buhay ang imahinasyon ng isang mambabasa.
• Ito ay naglalarawan o nagbibigay ng teknikal na detalye.
Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang uri, ito ay ang:
1. Karaniwan
• Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
2. Masining
• Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay,tayutay at idyoma. Ito ay nagpapahayag ng isang buhay na larawan batay sa damdamin at pang malas ng may akda.
KARANIWANG PAGLALARAWAN
• Maganda si Marcha, Hugis puso ang kanyang mukha at may mamula-mulang pisngi at labi. Mayroon din siyang biloy sa kanyang pisngi, may matangos na Ilong at may makapal na pilik mata at kilay. Mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang balikat na kinulayan ng kulay dilaw. Siya ay matangkad at may balingkinitang katawan.
MASINING NA PAGLALARAWAN
• Muling nabuhay si Grace sa katauhan ni Marcha. Ang hugis puso niyang mukha na tila anghel ay sadyang kinahuhumalingan ng anak ni Adan. Mayroon siyang ginintuaang buhok na abot hanggang balikat.
Mga Uri ng Paglalarawan:
Ang obetibo ay tiyak na paglalarawan samantalang ang subetibo ay paglalarawan ayon sa sariling saloobin at opinyon.
Ang obetibo ay tiyak na pagbibigay detalye sa isang tao, bagay, lugar ayon sa totoong buhay. Ito ang uri ng paglalarawan batay sa totoong nakikita, nadarama, naririnig, o nalalasahan. Ang mga pahayag ay sadyang makatotohanan.
Mga Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isang bansang maraming likas na yaman.
Ang Covid - 19 ay isang nakamamatay na sakit.
Ang subetibo ay paglalarawan na isinulat ng malinaw at may damdamin ngunit hindi nakabatay sa totong buhay. Ito ay paglalarawan na hindi makikita ng kongkreto ang imahe o larawang isinasaad ng manunulat. Karaniwan ay gumagamit ng mga matalinhagang mga pahayag.
Mga Halimbawa:
Ang Pilipinas ay isang bansang kaakit - akit.
Ang mga mabalasik na mga kabataan ay hindi kailanman magkasakit ng Covid - 19.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/505571
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2598976
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/903053
#BRAINLYFAST