gamit ang panauhan ng aspekto ng pandiwa isalaysay ang iyong saksi ang pangyayari noong panahon ng bagyo bumuo ng limang pangungusap mula sa binuong pangungusap guhitan ang mga pandiwang ginamit at tukuyin kung ito ay nasa aspekto panauhan ng naganap nagaganap o magaganap isulat ito sa iyong sagutang papel
Answers & Comments
Answer:
Uri ng Pandiwa
Ang pandiwa ay may dalawang uri; ang Palipat at Katawanin.
1. Palipat
Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos upang mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”, “sa”, “sa mga”, “kay”, o “kina”.
Halimbawa:
Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez.
Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana.
Si Mang Berto ay lumilok ng palayok.
Sinuotan ng damit ni Bea ang kanyang manika.
Nagpadala ng mga pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista.
Nagsampay ng damit si Clara.
Nagpadala ng bigas at de lata ang Pangulo para sa mga nasalanta ng bagyo.
Papunta kina Mang Victor ang nangongolekta ng buwis.
Si Sheena ay magaling sumayaw ng hip hop.
2. Katawanin
Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap o buo na ang diwang ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa.
Halimbawa:
Nabuhay si Mary.
Sina Elpie at Jhen ay ikinasal.
Lumilindol!
Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.
Kumakain sa plasa ang mga kabataan.
Ang magkakapatid ay nagdarasal ng sabay-sabay.
Binura ni Magda ang nakasulat sa pader.
Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan.
Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa loob ng bahay.
Inaantok si Lea.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy ang kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o Perpektibo, Pangkasalukuyan o Imperpektibo, Naganap na o Kontemplatibo, Tahasan, at Balintiyak.
1. Naganap o Perpektibo
Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping “nag” ay karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Nagpaalam si Itay bago siya umalis.
Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
Nagpirito ng manok si Pam.
Kahapon kinasal si Aljon at Ana.
Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan.
Nagtanong ang guro kung sinong may lapis.
Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice.
Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain.
Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla.
2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang ginamit sa pangungusap.
Halimbawa:
Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.
Naglalaba si Inday.
Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag.
Naglilinis ng kuko si Nita.
Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua.
Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa.
Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo.
3. Naganap na o Kontemplatibo
Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa lamang itong gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng salitang ginagamit bago ang pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon” at marami pang iba.
Halimbawa:
Balang araw, uunlad din ako.
Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon.
Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo.
Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo.
Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng pagkakataon.
Sa makalawa na yata ang dating niya.
Bukas luluhod ang mga tala.
Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan.
Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama.
Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan
Explanation:
PA BRAINLIEST PO THEN FOLLOW SALAMAT