Gamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw o konsepto. Bumuo ng makabuluhang pangungusap na tungkol sa “Pagkahumaling ng mga Kabataan sa K-Drama at KPOP.”
1.Batay sa-
2.Ayon-
3.Akala-
4.Pinaniniwalaan-
5.Sa aking pananaw-
patulong po dito, salamat
Answers & Comments
Answer:
1.) Batay sa mga nalalathala sa mga pahayagan at napapanood sa mga iba't ibang social media sites, tinatangkilik ng husto ang mga ito.
2.) Ayon sa iba, dahil ito sa mga artista na gumaganap sa mga nobela at mga mang-aawit at mananayaw na napakahusay.
3.) Akala naman ng ilan na hindi maganda ang pagkahumaling sa mga ito, ngunit hindi dapat ito ang ating paniniwalaang katayuan.
4.) Pinaniniwalaan na dahil ito marahil sa mga kakaibang paraan ng pagpapahayag ng mga istorya na napapanood sa kanilang mga nobela kung saan talaga namang kinakikiligan at kinaaaliwan ng marami. Gayundin ang mga K-pop group na laging tinatangkilik ang kanilang mga kanta.
5.) Sa aking pananaw, hindi masama ang tangkilikin kung ano ang mayroon ang ibang bansa, basta marapat lamang na kilalanin pa rin natin ang sarili nating industriya, sapagkat ang pagtangkilik sa iba ay simbolo ng respeto at pagkilala rin natin sa kanilang kakayanan at kahusayan.
Hope it's help :)
Zhane's answer