Questions


August 2022 1 2 Report
Galugarin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at tukuyin ang susunod
na pangyayari. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Naihanda na nila ang mga gagamitin sa paglalangoy. Umihip ang isang
napakalakas na hangin. Napansin ni Rachel ang makakapal na ulap at
biglang nagdilim na kalangitan. Ano ang maaaring mangyari?
2. Naisalang na ni Karen sa oven ang kanyang ibi- bake na cake. Biglang
may kumatok sa pintuan. Natuwa si Karen nang makitang si Trisha iyon.
Nagkayayaan ang dalawa na magkuwentuhan sa may hardin. Nalimutan
ni Karen na mayroon pala siyang bini-bake. Ano ang maaaring mangyari?
3. Pauwi na galing trabaho si Ginoong Cruz nang biglang may nagulungang
pako ang gulong ng kanyang sasakyan. Unti-unting nawalan ng hangin
ang kanyang gulong. Ano ang maaaring mangyari?
4. Naiwang nakakalat ni Tim ang kanyang laruang sasakyan sa kanilang
hagdanan. Lumabas galing kuwarto ang kanyang Daddy na may buhat
buhat na malaking karton. Hindi sinasadyang naapakan ng kanyang
Daddy ang kanyang laruan. Ano ang maaaring mangyari?
5. Nagtungo sina Greg at ang kanyang lolo sa may lawa gamit ang bangka
upang mangisda. Pumwesto sila sa kalagitnaang bahagi ng lawa.
Inumpisahan nang mamingwit ni Greg nang maramdaman niyang
bumigat ito. Hinila niya ito ngunit masyado itong mabigat. Ano ang
maaaring mangyari?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.