Gabi-gabi bago matulog, hindi nakakalimutan ni Susan na sumulat sa kaniyang
talaarawan. Dito niya isinusulat ang lahat ng pangyayaring naganap sa kaniyang
paaralan sa loon ng maghapon.
Narito ang isinulat ni Susan sa kaniyang talaarawan sa loob ng tatlong araw.
Linggo, Marso 12
Walang pasok sa paaralan ngunit kaming mga magsisipagtapos ay hinilingang
magtungo sa paaralan upang magtanim. Bawat isa sa amin ay nagdala ng punla.
Lunes, Marso 13
May panauhin kami mula sa DepEd. Pinulong ang lahat ng magsisipagtapos.
Pinapili kami ng paaralang mapag-eenrolan sa darating na pasukan. Sinasabi niya
ang magagandang programa at proyekto ng bawat paaralan.
Martes, Marso 14
Nagpulong ang lahat ng staff ng pahayagang pampaaralan. Natanggap na
naming ang mga sipi ng pahayagan upang ibigay sa mga mag-aaral.
Ganito naman ang isinulat ni Susan sa kanyang talaarawan para sa sumunod
pang dalawang araw.
Miyerkules, Marso 15
Ipinatawag ako ng punong-guro. Sa harap niya at ng lahat ng guro sa ikaanim
na baitang ay binati nila ako at sinabing ako ang nagkamit ng Pinakamataas na
Karangalan. Labis-labis ang pagkatuwa ko.
Huwebes, Marso 16
Isinulat ko ang borador ng aking talumpati para sa araw ng pagtatapos. Ipinawasto
ko iyon sa aking guro sa Filipino. Binati ako ng aking mga kamag-aral. Kinantiyawan
ako na mag-blow out.
1.Tungkol saan ang talaarawan ni Susan?
2.Kayo din ba ay sumusulat ng talaarawan?
3.Ano ano ang inilalagay o isinusulat sa talaarawan niyo?
4.Ilang araw ang naitala niya sa kanyang talaarawan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.