"Gaano kahalaga ang pagiging lider upang makamit ang ninais na layunin?"
•Kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw ay magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong pakikipagugnayan, tapat at maunawain at mayroong kang kakayahang impluwensyahan ang kapwa upang makamitang layunin ng pangkat at tumugon sa pangangailangan ng lipunan. Habang pinamumunuan mo ang iba tungo sa pagbabago, nalilinang mo rin ang iyong sarili na maging mabuting tao. Madali kang tumutugon sa mga suliranin at nagbibigay ka ng direksyon upang makamit ang layunin ng pangkat. Anuman ang iyong maging pagpapasiya, lagi mong isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat.
"Gaano kahalaga ang pagiging tagasunod upang makakit ang ninais na layunin?"
•Kung ang pagiging tagasunod naman ang nakaatang na tungkulin sa iyo, inaasahan na magiging uliran kang tagasunod at magiging matalino sa pagpili ng lider na susundin (hangga’t maaari). Naglilingkod ka nang tapat at isinasaalangalang lagi ang kabutihang panlahat. Naiimpluwensyahan mo rin ang ibang kasapi ng pangkat sa pakikiisa at pagsunod sa pamumuno ng lider upang makamit ang layunin ng pangkat. Sumusunod ka man o ikaw ang sinusundan, sa pagiging mapanagutang lider o pagiging tagasunod, makapaglilingkod ka, at makapagpapakita ng pagmamahal sa kapwa. Magkakaroon ng kabuluhan ang iyong buhay kung ang mga tungkuling iniatang sa iyo ay iyong kinikilala, nililinang, at isinasabuhay nang mapanagutan tungo sa pagkakamit ng kabutihang panlahat.
Answers & Comments
Explanation:
"Gaano kahalaga ang pagiging lider upang makamit ang ninais na layunin?"
•Kung isinasabuhay mo ang pagiging mapanagutang lider, inaasahan na ikaw ay magalang sa lahat, mapaglingkod sa kapwa, makatarungan ang iyong pakikipagugnayan, tapat at maunawain at mayroong kang kakayahang impluwensyahan ang kapwa upang makamit ang layunin ng pangkat at tumugon sa pangangailangan ng lipunan. Habang pinamumunuan mo ang iba tungo sa pagbabago, nalilinang mo rin ang iyong sarili na maging mabuting tao. Madali kang tumutugon sa mga suliranin at nagbibigay ka ng direksyon upang makamit ang layunin ng pangkat. Anuman ang iyong maging pagpapasiya, lagi mong isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat.