Questions


September 2022 2 2 Report
Filipino:

ito po yung teksto ito po ulit yung pic nung sasagutan sana po masagutan nyo po




Pinakamayaman sa likas na yaman ang Pilipinas sa buong Asya.
Ayon sa kasabihan, "hindi lamang ginto ang kumikinang at maituturing na
kayamanan", maituturing din na kayamanan sa ating paligid ay ang
kalikasan. Ngunit, napapahalagahan ba ng mga tao ng tama ang
kalikasan?
Lahat tayo ay nilikha ng Maykapal na may kaniya-kaniyang
tungkuling ginagampanan. Nilikha ang tao upang pangalagaan at
pahalagahan ang lahat ng nilikha. Mahalaga ba ang kalikasan?
Napakahalaga ng kalikasan, sapagkat dito tayo kumukuha ng ating
kinakain sa ating lameasa tulad ng kanin na inaani sa mga palayan, isda
na nahuhuli sa malinis na tubig, mga bungang kahoy, gulay at marami
pang iba na makukuha sa mga puno at halaman. Sa kalikasan din tayo
kumukuha ng mga kagamitan sa paggawa ng bahay.
Subalit, ano ang nangyayari ngayon sa kalikasan? Unti-unting
nasisira ang mga ito.
Nawawala na ang ganda ng mga itinuturing na
kayamanan. Ang kulay asul na karagatan ngayon ay naging itim na. Ano
na nga ba ang mga mangyayari sa mga kabataan sa hinaharap? Nawawalana ang ilog na malinis na may tubig na nilalanguyan, nauubos na rin ang
punong aakyatan dahil sa walang habas na pagputol nito, ngunit hindi
naman napapalitan. Ang hanging malinis ay nawala na rin dahil wala na
ang mga punong sumasala sa hangin.
Kapag ang mga puno ay tuluyan ng nawala, ang ecosystem ay
mawawalan ng balance at magdudulot ng matinding init sa mundo. Sa
panahon naman ng tag-ulan, madaling ng bumaha dahil wala ng
kumakapit sa lupang mga ugat ng puno. Maraming masasalanta at
magbunga ng pagkamatay ng mga taong nakatira malapit sa mga ilog o
paanan ng bundok.
Itigil na ang mga hindi tamang ginagawa ng mga tao sa ating
kalikasan, dahil lahat tayo ay maapektuhan at madadamay. Sumama tayo
na pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman sa pamamagitan
ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Panatilihin natin ang
disiplina sa sarili. Huwag magtapon ng basura kahit saan. Kahit ikaw ay
bata malaki ang maitutulong mo para pangalagaan ang kalikasan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.