Festival of Talents
Nagdaos ang Paaralang Elementarya ng Sapang ng Festival of Talents upang
malinang at maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglikha ng mga sayaw,
awit at pagpinta. Bumuo ang mga mag-aaral ng iba’t ibang pangkat para lumahok sa
mga patimpalak. Si Miguel, ang batang magaling sumayaw, ay naghanap ng kanyang
mga kasapi. Ganoon din si Luisa na mahusay umawit. Ang iba pang mga bata ay
bumuo rin ng kani-kanilang pangkat. Ang klase naman sa Sining ay pumili ng mga
sasali sa pagpinta. Binigyan ang bawat pangkat ng tatlong linggo upang mag-ensayo
at magsanay. Lahat ng pangkat ay pinagbuti ang pag-eensayo. Kumuha pa sila ng magtuturo sa kanila upang matiyak na wasto at ayon sa mga pamantayan ang
kanilang gagawin. Gumamit pa sila ng makabagong teknolohiya upang maipamalas
ang kanilang pagiging malikhain. Lahat ng lalahok ay laging dumarating sa
pinagkasunduang oras at lugar ng pag-eensayo.
Nang sumapit ang araw ng pagtatanghal, napuno ang auditorium ng paaralan
ng maraming manonood. Naroon din ang mga magulang ng mga mag-aaral.
Nahirapan ang mga hurado sa paghatol sapagkat lahat ng magaaral ay nagpakita ng
kahusayan at pagkamalikhain. At dumating na ang pinakahihintay ng lahat.
Ipahahayag na ng punong hurado ang mga nagwagi. Bago niya ito ginawa, nagbigay
muna siya ng mensahe. “Kami pong mga hurado ay talagang nahirapan sa paghatol
sa ginawang pagtatanghal ng mga mag-aaral. Lahat sila ay nagpakita ng kanilang
galing sa pagbuo ng awit, sayaw at pagpinta. Magaganda ang mensahe ng mga awitin
na binuo ng mga kabataan. Gayundin ang mga sayaw. Magaling ang choreography at
naaayon sa pinagkasunduang tema ng patimpalak. Natutuwa rin kami sa mga
iginuhit na larawan. Maganda at makahulugan ang kumbinasyon ng mga kulay at
kakaiba ang mga paksang isinalarawan nila. Gumamit din ang lahat ng teknolohiya
na lalong nagpamalas ng kanilang pagkamalikhain. Kung maaari lang manalo ang
lahat ay gagawin namin. Subalit isa lang talaga ang dapat magwagi sa bawat
kategorya.
Pero uulitin ko, lahat kayo ay magagaling! Hinihikayat ko ang lahat ng kalahok
na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanilang pagkamalikhain. Pairalin ninyo ang
disiplina sa sarili upang hindi makaligtaan ang ibayo pang pagsasanay. Muli, ang
aming pagbati at paghanga sa inyong lahat. At ang nanalo ay…

1. Ano ang ginanap sa Paaralang Elementarya ng Sapang?
__________________________
2. Bakit nila ginawa ito?
__________________________
3. Bakit nahirapan ang mga hurado sa pagpili ng mananalo sa bawat kategorya?
__________________________
4.Anu-anong katangian ang ipinakita ng mga mag-aaral?
__________________________
5.Paano ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain?
__________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.