Fact or Bluff. Gumuhit ng dalawang garapon sa inyong sagutang papel. Suriing mabuti
ang bawat pangungusap. Isulat ang letra ng mga pangungusap na nagpapahayag ng
paggalang sa opinyon ng kapwa sa garapon na may Fact, at letra ng mga pangungusap
na hindi nagpapahayag ng paggalang sa garapon na Bluff .
FACT BLUFF
A. Dapat mahinahong tanggapin ang opinyon ng iba.
B. Aawayin ang kapatid kapag hindi siya sumang-ayon sa iyong sinasabi.
C. Isaalang –alang ang kabutihan ng nakararami sa pagbuo ng isang desisyon.
D. Maganda ang ideya mo, ngunit alam mong masasaktan ang damdamin ng iyong ina,
kaya nagpaubaya ka nalang at isinantabi ang opinyon mo para sa ikabubuti ng inyong
samahan.
E. May ideya ang iyong kaibigan kung paano matutulungan ang naapektuhan ng
pagsabog ng Bulkang Taal ngunit nainis ka sa kanyang ideya.
F. Sikaping makiisa sa mga ideya at proyekto ng barangay tulad ng curfew at bawal
lumabas ng bahay alang-alang sa kapakanan ng nakakatanda.
G. Isantabi ang pansariling interes kahit na di nakakalugod sa iyo, para sa ikakabuti ng
iba.
H. Huwag mong pakialaman ang kapakanan ng iyong kabaranggay lalo na sa panahon ng
pandemya.
I. Igalang at isaalang-alang ang opinyon ng iyong kapitbahay na maingay magsalita
J. Matutong magpaubaya ng sariling kaligayahan tulad ng pagpasyal sa shopping mall
para sa kapakanan ng buong pamilya at kapitbahay na hindi magkasakit dahil sa virus
na nakakahawa.
Answers & Comments
Answer:
c.
Explanation:
C. Isaalang –alang ang kabutihan ng nakararami sa pagbuo ng isang desisyon.