Eto po yung kwento
nasa pic po yung TANONG KO.

Tuklasin
Tamis ng Tagumpay

Ang buhay ay sadyang mahiwaga at puno ng sorpresa. Isang
pagpapatunay ito sa pangyayari sa buhay ng kauna-unahang taga-Timog
Silangang Asya na tumanggap ng International Children Peace Prize Award na si Cris "Kesz Valdez.

Ipinanganak siya at lumaki sa tambakan ng basura o landfill. Mahirap ang
kanilang buhay kaya bagaman bata ay namuhay sa pamamagitan ng
pangangalakal ng basura. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral.

Isang gabi, nang malagay sa peligro ang kaniyang buhay matapos siyang
mahulog sa nasusunog na basura sa dumpsite, humingi ng tulong ang kanyang
ina sa isang guro, iniwan siya ng kanyang ina upang doon ay maalagaan.
Kalaunan ay inampon na siya ni Harnim Manalaysay.

Sa kabila ng mga paghihirap hindi siya pinanghinaan ng loob, bagkus,
nagsilbi itong inspirasiyon kay Kesz ang mga taong tumulong sa kanya. Nilayon
niyang makatulong sa mga bata sa lansangan ng Cavite na dumanas din ng hirap.
Tinulungan niya silang mangarap ng magandang buhay.

Nang sumapit ang kaniyang ika-pitong kaarawan, mas pinili niyang siya
ang magbigay sa iba. Tinawag niya ang kaniyang proyekto na "Hope Gifts." Ito ay
mga regalong naglalaman ng mga gamit na panlinis sa katawan na makatulong
sa pag-iwas sa mga sakit. Namigay din siya ng tsinelas at mga libro sa mga batang
lansangan

Dahil sa kaniyang "Hope Gifts" nakilala siya at naparangalan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.