Questions


September 2022 0 2 Report
eto po ung story nya


"Ang Langaw at ang Kalabaw" Isang araw habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog, napuna niya ang isang langaw sa kanyang tabi."Langaw, anong ginagawa mo rito?"pagalit ang tanong ni kalabaw. "Pasensya ka na. Hindi lang ako makakalipad dahil nabasa ang aking pakpak," malungkot na sagot ni Langaw."Ganoon ba? Hintayin mo ako at lulutasin ko ang iyong problema," sabi ni Kalabaw kay Langaw. Ilang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon. Inilagay ni kalabaw ang isang dahon sa kanyang bibig at dahan-dahan niyang ipinahid sa pakpak ni Langaw. Patuloy na ginagawa ito ni Kalabaw upang matuyo ang pakpak ni Langaw."Kalabaw, maraming salamat sa iyong pagtulong. Marahil kung wala kang namatay na ako,"masayang wika ni Langaw. "Hayun, may kalabaw na kumakain ng damo. Barilin mo na at baka makawala pa." ang sabi ng mangaso sa kanilang kausap. Nakaakma na ang baril nito nang dumating si Langaw. Lumipad siya nang paikot-ikot sa tainga ng mangangaso hanggang sa bigla na lamang naputok nito ang baril. Nang marinig ni Kalabaw ang putok, kumaripas ito nang takbo. Makalipas ang isang linggo, muling nagkita ang dalawa at naikwento ni Langaw kay Kalabaw ang iyong ginawang pagbabayad ng utang na loob. (Halaw mula sa aklat na Wika sa Pagbasa patnubay ng guro) )​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.