ET
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
A. Tukuyin ang mga salitang may salungguhit at isulat ang (PH) kung
ito ay pang-abay na pamanahon, (PL) kung pang-abay na panlunan
at (PR) kung ito ay pang-abay na pamamaraan.
1. Si Nenita ay matiyagang nag-aaral ng kaniyang mga aralin.
2. Malakas na tumawa ang payaso habang sumasayaw.
3. Mamimili bukas ng mga gulay at prutas si Tata Kario.
4. Ilagay natin sa tamang lugar ang ating mga basura.
5. Dadalawin namin mamaya si Jess sa ospital.
B. Piliin ang mga pang-abay at tukuyin ang uri nito. Isulat ang (PH)
kung ito ay pang-abay na pamanahon, (PL) kung pang-abay na
panlunan at (PR) kung ito ay pang-abay na pamamaraan.
1. Tumakbo sa ilalim ng mesa ang maliit na daga.
2. Nagtitinda ng puto si Jessa araw-araw.
3. Minsan lang diligan ni Tina ang kaniyang mga cactus.
4. Malakas na sigaw ang narinig mula sa kabundukan.
5. Naglalakad lamang ang magkapatid na Tin at Ten
papunta sa paaralan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.