Gaano na nga ba kalaki ang pinagkaiba ng sistema ng ating edukasyon noon at ngayon sa ating mumunting bansa? Paano nga ba? Paano ko nga ba ilalahad o ilalarawan ang pagbabago na nangyari sa mga nakalipas na taon? Sa usapin na aking hihimayin ay batid kong mahihirapan ako ng kaunti sapagkat alam naman ng lahat kung gaano na kalaki ang ipinagbago ng sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Ang tatalakayin ko ay ang estado n gating edukasyon sa bansa. Oo, nakakasawang talakayin ito. Normal na lamang itong pagusapan pero para sa akin, ang pagbabago sa sistema ng edukasyon sa ating bansa ay may malaking epekto lalo sa katulad kong estudyante, lalo na’t kabilang ako sa makabagong kurikulum ng K-12. Ngunit hindi ang K-12 na kurikulum ang aking paguusapan kung hindi ang sistema o mentalidad mayroon na ang bawat estudyante; ito ay ang mentalidad na pumapasok na lamang ang mga estudyante upang makapasa at hindi upang matuto.
Oo, iyon na ang mentalidad na umiiral sa utak ng ibang estudyante. Sa takot na baka may makaligtaan kaming aktibidad, pagsusulit na hindi masagutan, at baka ibagsak kami n gaming guro. Tatlo lamang ito sa marami pang rason mayroon ang isang tulad kong nag-aaral, kaya’t dalawang tanong ang pumasok sa aking isipan Bakit? Bakit nga ba naging ganito ang sistema ng mentalidad na mayroon ang mga kamag-aral ko? Sa maraming taon ng pag-aaral, maraming taon narin ang nagugol sa mga pagbabago na nagaganap sa edukasyon. Bakit nga ba kailangan na may magbago?
Naaalala ko noong ako’y nasa ika-sampung baitang sa Junior High School. Pagpasok mo pa lamang sa aming silid-aralan ay kapansin-pansin na ang seting sa loob na talaga namang nakakabahala. Makikita mo ang mga kamag-aral kong naghahabol ng mga di nasagutang aktibidad, gumawa ng takdang-aralin sa paaralan, gumagawa ng proyekto na kailangan ng ipasa mamaya, o kaya naman ay nagrerebyu dahil nakalimutan na ang itinuro ng gaming guro. Marami pa ang mga ganitong gawain ng mga kamag-aral ko. Kakikitaan mo nalang ang mga kamag-aral ko ng kasipagan tuwing malapit na ang pagsusulit pero ang totoo ay kaya sila nagsisikap ay para lamang pumasa sa taon na iyon, para di mapagalitan ng kanilang magulang o kaya naman ay ayaw lang nilang matawag na mangmang dahil nakakuha sila ng mababang marka. Nakakabahala at nakakatakot kasi pumapasok na lamang ang mga kaklase ko hindi para matuto kundi para lamang masabihan na sila ay edukado o nakapag-aral.
Hindi ko sinasabing masama makakuha ng mataas at magandang marka sa paaralan. Ang pinupunto ko lamang ay ang Pilipino ay may demokratiko na kaisipan, may malayang desisyon ang bawat isa at may malaki na ang pagbabago na nangyari sa kahit anong larangan sa aspeto ng edukasyon. Nabago ang mentalidad na pumapasok ang tulad namin dahil nais namin na matuto, na nais namin na maturuan, at di na kami pumapasok upang pumasa lamang at makakuha lamang ng mataas na puntos.
Nasaan na nga ba ang pagiisip na iyon? Talaga bang nilipad na ito ng hangin? Talaga bang napalitan na ito ng modernisasyon na walang patid ang paglago at paglaganap?
Sana hindi kasi ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kami ang pag-asa ng bayan.
Answers & Comments
Answer:
Pag babago ng sistema ng edukasyon
Explanation: