Questions


August 2022 2 4 Report
EsP6
Friday, April 9, 2021

Summative Test #2
EsP6 Quarter 3

I. Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang TAMA kung ito
ay nagpapakita ng pagpapahalaga at pananagutan sa kabuhayan at
pinagkukunang-yaman at MALI naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Ang mga boteng plastik na nakita ni Manuel sa parke ay kaniyang inuwi at
pinagtaniman niya ng mga halaman.
2. Ipinagwalang bahala na lamang ng mga residente malapit sa kagubatan ang
iligal na pagpuputol ng mga puno ng isang negosyante.
3. Pinagbawalan ng punong barangay ang mga mangingisda na huwag gagamit
ng malilit na butas ng lambat, upang hindi masama ang mga bagong sibol na
isda.
4. Hindi pinaghihiwalay ni Gina ang mga nabubulok at di-nabubulok nilang
basura sa kanilang tahanan.
5. Ipinasara ang isang pabrika malapit sa dagat matapos matuklasan na dito
tinatapon ang mga kemikal na kanilang ginagamit.
6. Patuloy na hinahayaan ng mga kinauukulan na makabiyahe ang mga taxi sa
kanilang lugar sa kabila ng maiitim na usok na binubuga ng mga ito.
7. Upang makatipid sa tubig ginagamit ni Ely sa kanilang palikuran ang
pinagbanlawan sa paglalaba ng kaniyang ina.
8. Si Fely kasama ang kaniyang mga kamag-aral ay nagsulong ng isang
proyektong naglalayon na makapagtanim ng isang daang puno sa paanan ng
nakakalbong bundok.
9. Upang makatulong sa kalikasan nagbibisikleta na lamang si Maria papasok
sa kaniyang trabaho.
10.Ipinagbabawal na ang paggamit ng plastic straw sa mga kainan sa lungsod
upang mabawasan ang sobrang paggamit ng plastik.

II. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

12. Ang batas na ito ay may layunin na isakatuparan ang mga plano sa pagpapaunlad
at konserbasyon ng enerhiya.
a. RA 8749 b. RA 9275
c. Batas Pambansa 7638

12. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay aakyat sa isang bundok para mag hiking. Bago
ka umalis ay nagbilin ang iyong ate na ikuha mo siya ng halamang ligaw sa
bundok.Alam mo na bawal ang pagkuha ng halaman doon. Ano ang iyong gagawin?
a. Ikukuha ko pa rin ang aking ate ng mga halaman sa bundok.
b. Sasabihin ko sa kaniya na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga halaman sa
bundok.
c. Itatago ko na lang sa aking bag upang walang makakita na kumuha ako ng
halaman.

13. Ang batas na ito ay may layuning bigyan ng malinis na hangin ang mga
mamamayan at mabawasan ang polusyon sa hangin.
a. RA 8749 b. RA 9275
c. RA 7586
14. Anong batas ang naglalayong magkaroon ng tamang pagkolekta at pagsasaayos
ng mga basura ayon sa uri nito?
a. RA 9147 b. RA 9003
c. RA 9275

15. Dahil madalang ang pagkolekta ng basura sa inyong lugar , sinusunog ng iyong
nanay ang inyong mga basura. Natandaan mo ang itinuro ng inyong guro na may
batas na nagbabawal sa pagsusunog. Ano ang iyong gagawin?
a. Hahayaan ko na lang si nanay na magsunog.
b. Ipapaliwanag ko sa aking nanay na tigilan na ang pagsusunog at sasabihin
na may batas tungkol dito.
c. Tutulungan ko si nanay sa pagsusunog upang hindi kami mahuli.

16. Ano ang layunin ng batas na RA 9275?
a. mabigyan ng malinis na hangin ang mga tao.
b. mabigyan ng malinis na tubig ang mga tao.
c. mabigyan ng makakain ang mga tao.

17. Anong batas ang nangangalaga at nagpoprotekta sa mga maiilap na hayop?
a. RA 9147 b. RA 9275
c. RA 9003

18. Mahilig kang mag-alaga ng mga kakaibang hayop na nahuhuli lamang sa mga
kagubatan. Minsan nagpunta ka kasama ang iyong kaibigan sa isang kuweba upang
humuli ng ahas para alagaan. Nakakita kayo ngunit nagbabala ang iyong kaibigan
na ipinagbabawal ang paghuli nito. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi ko siya papakinggan at kukuhanin ko pa rin ito.
b. Kukuhanin ko na lang pagtalikod ng aking kaibigan.
c. Makikinig nalang ako sa kaniya.

19. Ilang beses na kayong pinagsasabihan ng inyong guro na itapon ang mga basura
ayon sa uri nito ngunit hindi ginagawa ng iyong mga kamag-aral. Dahil ikaw ang
pangulo ng inyong klase, ano ang iyong gagawin?

a. Kakausapin ko ang aking mga kamag-aral na magtapon sa tamang tapunan.
b. Hindi ko nalang sila papansinin.
c. Hihikayatin ko pa sila na magtapon kung saan nila gusto.

20. Dahil ikaw ay bata at nag-aaral pa, dapat bang sundin mo ang mga batas na
naglalayong pangalagaan at protektahan ang kalikasan?

a. Hindi dahil bata pa ako at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
b. Oo dahil kahit bata pa ako ay susunod ako sa mga batas dahil ito ay ipinaguutos
at para na rin sa kapaligiran.
c. Bahala na​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.