Ang pamilya ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ang pamilya rin ang isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito natin mararamdaman ang tunay na pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa. Dito rin nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.
Ako ay ako dahil sa aking pamilya, ang aking mga magulang ang nagbigay ng buhay sa akin, nag-alaga at nag-aruga, pinalaki nila akong maayos at mabuting tao. Nagpapasalamat ako dahil masasabi kong naging mabuting mga magulang sila sa akin, sa amin ng aking mga kapatid. Maraming aral ang aking natutunan sa aking mga magulang, ang manalig at magpasalamat sa Diyos, ang maging mabuti sa kapwa sa lahat ng oras, at ang matutong magpatawad. Ang aking pamilya ang dahilan kung anong meron ako at kung nasaan ako ngayon, kaya masasabi kong sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Kaya ako ay ako dahil sa pamilya ko.
Napakahalaga ang ginagampanan ng ating pamilya dahil sila ang buhay mo at sila ang nagbibigay ng buhay sa iyo. Kung wala sila, wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon. Kaya nararapat na pahalagahan natin ang ating pamilya dahil sila ang mga taong makakasama natin sa anumang hirap at ginhawa. Sila ang bumubuhay at bumubuo sa ating pagkatao.
Answers & Comments
Answer:
Ako ay ako dahil sa aking pamilya

Explanation: