Questions


September 2022 1 2 Report
eSagutin natin ang mga sumusunod na katanungang
hango sa binasa ninyong kuwento.
1. Bakit maagang pumasok sa paaralan ang magkaibigan?

2. Anong aplikasyon ang hiningi ng magkaibigan kay Bb. Parayno?

3. Ano ang library card? Bakit mahalaga ito?

4. Naranasan mo na din bang pumasok sa silid-aklatan ng inyong paaralan
Ano-ano pa ang nakikita sa silid-aklatan?

5. Ano ang masasabi mo sa katangian ng mga kaibigan bilang mga mag-
aaral?


Ang babasahin :
Maaga pa lamang ay gising na si Angela. Maaga kasi siyang papasok ngayong araw, dahil may usapan sila ng matalik na kaibigan niyang si Kate na pupunta sila sa library upang magresearch.
“Angela, bilisan mo! Marami ng tao sa library baka hindi na tayo makapasok”, excited na wika ni Kate pagkakita sa kaibigan.
“Oo, andiyan! Eto nga oh, hinihingal na ako. Bakit kasi marami yatang gagamit ng silid-aklatan ngayon?” tanong ni Angela.
“Excited kasi ang lahat sa bagong bihis na silid-aklatan natin ngayon. Isa pa, si Bb. Parayno daw ang isa sa mga librarian natin. ‘Di ba, isa sa mga paboritong guro natin siya dahil sa bukod sa maganda napakabait pa”, nangingiting wika ni Kate.
“Magandang umaga Bb. Parayno”, bati ng dalawa pagkapasok sa silid-aklatan.
“Magandang umaga, Kate at Angela! Natutuwa naman akong makita kayong dalawa dito. Siya nga pala, may library card na ba kayo?” tanong ng guro.
“Naku po, iyan nga po ang dahilan kung bakit maaga kaming pumunta ngayon. Gusto po naming mag-apply para magkaroon ng library card”, wika ni Kate.
Dali-daling kinuha ng magkaibigan ang aplikasyon para sa library card at sinagutan ito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.