E
sa
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang mga sumusunod
na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga kasagutan
mga tanong sa bawat talata.
pamilya niya sapagkat walang nasaktan at walang nasira sa
bagyo.
1. Inanunsiyo ng PAG-ASA na may paparating na isang malakas na
Habang nakatutok sa pakikinig sa radyo ay inihanda ng batang si Joy
ang lahat ng mga kakailanganin tulad ng emergency kit. Matapos
manalasa ng bagyo ay malaki ang iniwang pinsala nito pero mapalad ang
kanilang
tahanan. Ngunit ang bahay ng kaibigan niyang si Nica ay nasira at
wala siyang matuluyan. Kung ikaw si Joy, anong gagawin mo?
2. Nasunog ang bahay ni Elia Vyonne at walang nasalba sa kanilang mga
gamit. Pansamantala silang tumuloy sa isang shelter ng lokal na
pamahalaan. Kung si Elia Vyonne ay kaibigan mo, ano ang maaari
mong maitulong sa kaniya?
3. Ayon sa PHIVOLCS, isang malakas na lindol ang tumama sa lugar nila
Cecilia. Kung kaya't pinapalikas ang lahat ng tao dahil inaasahan na
masusundan ito ng aftershock at posibleng magka-tsunami dahil sila ay
nása baybaying dagat. Ngunit sa kabila nito ay alam niya na
walang
radyo at telebisyon ang kapitbahay niyang si Angel. Kung ikaw si Cecilia,
anong gagawin mo?
4. Dahil sa tagal ng lockdown dulot ng pandemya, nawalan ng hanapbuhay
at naubos ang perang ipon ng magulang ni Niño na pantustos sana sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ikaw ay kaibigan ni
Niño, ano ang maaari mong gawin para siya ay matulungan?
5. Sa tuloy-tuloy na pag-ulan, ang bahay ng magkakapatid na Reniel at
Ricki na kapitbahay ni Althea ay inaabot ng baha. Nakita ni Althea kung
gaano kakapal at karami ang putik na iniwanan ng baha sa bahay nila.
Nagsimula na ang magkakapatid na maglinis. Kung ikaw si Althea, ano
ang gagawin mo?
Answers & Comments
Answer:
1. Kung ako si Joy ay tutulungan ko siya sa paraan na alam ko. Maaring tumira muna sila pansamatala sa aming tahanan habang inaayos nilang muli ang kanilang tahanan.
2.Alam ko na mahirap ang masunugan sabi nga nga nila mabuti ng mabahaan wag lang masunugan. Kung ako ang kaibigan ni Elia Vyonne matutulungan ko siya sa munting paraan. Ibibigay ko sa kanya ang aking pinaglumaan damit na maari pang suotin. Hihingi din ako ng tulong sa iba pa naming kapitbahay o kamag anak na kung maari ang tulungan din nila sina Elia Vyonne.
3. Sa panahon ngayon mayroon na tayong makabagong teknolohiya kung walang radio at telebisyon sina Angel nakakasigurado ako na mayroon silang cellphone na maaring kung gamitin na tawagan siya at ipaalam ang ulat ng PHIVOLCS tungkol sa lindol at aftershock nito na maaring magdulot ng tsunami o daluyong. Na ang kanilang lugar ay posibleng taman nito at kailangan na nilang lumikas habang my oras pa.
4.Marami ang nagbago sa panahon ng pandemya. Marami ang nagutom at nawalan ng hanapbuhay. Kung ako ang kaibigan ni Nino na isa sa natamaaan ng epekto ng pandemya. Maari kung gawin upang siya ay tulungan ay bibigyan ko siya ng pagkain kung kami ay nakakaluwag luwag o di kaya maghahanap kami ng paraan upang kumita na hindi nilalabag ang health protocols ng gobyerno.
5. Ang pagtulong sa kapwa ay lubhang nabibigay ng saya. Kung ako ang kaibigan nina Reniel at Rickie ay tutulong ako sa kanila sa pag alis ng putik sa kanilang bahay dulot ng baha. Naniniwala ako na kapag nagtutulong tulong magagawa ng mabilis ang isang gawain. Kapag natapos na namin alisin ang mga putik maari na kaming maglaro at kung ano man ang aming nais gawin.