EPP Quiz

1. Ang salitang humalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. *
1 punto
A. Pangungusap
B. Pang-uri
C. Panghalip
D. Pangngalan
2. Ito ay isang babasahin na puno ng ideya ng iba't ibang tao at impormasyon. Ito ay maaaring tula, kuwento, talambuhay, sanaysay, at iba pa. *
1 punto
A. Teksto
B. Dyaryo
C. Magasin
D. Kuwento
3. Ano ang layon ng teksto? *
1 punto
A. Ito ay tumutukoy sa kaisipang nais ipabatid ng mga mambabasa sa may-akda.
B. Ito ay tumutukoy sa kaisipang nais ipabatid ng may-akda sa mambabasa.
C. Ito ay tumutukoy sa mga salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap.
D. Ito ay komunikasyon sa pagitan ng nagbabasa at nakikinig.
4. Ito ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari. *
1 punto
A. Panghalip
B.Pang-uri
C. Pangngalan
D. Panag-uri
5. Uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa malaking titik. *
1 punto
A. Pantangi
B. Pambalana
C. Pantiyak
D. Pambabae
6. Tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa. Karaniwang nagsisimula sa maliit na titik. *
1 punto
A. Pantangi
B. Pambalana
C. Pantiyak
D. Pambabae
7. Ito ang pangngalang nagsasaad ng kaisahan sa kabila ng dami ng bilang. Mga halimbawa : grupo, pangkat, organisasyon, komite *
1 punto
A. Tahas
B. Basal
C. Lansakan
D. Di Tiyak
8. Ito ang mga pangngalang nakikita at nahahawakan. Mga halimbawa : lapis, papel, kompyuter, telepono at iba pa. *
1 punto
A. Tahas
B.Basal
C. Lansakan
D. Di Tiyak
9. Ito naman ang pangngalang hindi nakikita o nahahawakan pero nararamdaman. Mga halimbawa : kasiyahan, karangalan, pangarap. *
1 punto
A. Tahas
B. Basal
C. Lansakan
D. Di Tiyak
10. Ito ay isang pananaw ng tao o pangkat na maaaring totoo ngunit maaaring pasubalian ng iba. Isang paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento. *
1 punto
A. Tsismis
B. Opinyon
C. Damdamin
D. Motibo
11. Ang ____________ ay ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon. *
1 punto
A. Ano
B. Saan
C. Kailan
D. Sino
12. Ito ay ginagamit pangtanong para sa hayop, bagay, katangian, pangyayari at ideya. *
1 punto
A. Ano
B. Kanino
C. Sino
D. Saan
13. Ito ay ginagamit pangtanong para sa tao. *
1 punto
A. Ano
B. Saan
C. Kailan
D. Sino
14. Ang _______ ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar. *
1 punto
A. Kailan
B. Saan
C. Kanino
D. Paano
15. Ang bakit ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa ____________. *
1 punto
A. pag-aari
B. pamamaraan
C. dahilan
d. pangyayari

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.