eng patuloy na
ng mga situ
ONG IYONK
Isagawa
Gawain 1: May Pakiaalam Ako sa paligid Ko
Ibigay ang iyong saloobin sa bawat sitwasyon Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nakita mong may tumatagas na tubig mula sa kalsada at ito ay nagdulot ng pagkawala ng tubig sa inyong lugar Ano ang
maaari mong gawin upang makatulong ka sa inyong lugar? Bakit?
2. Sumama ka sa iyong tiyo sa kabundukan at nakita mong may mga taong nanghuhuli ng mga magagandang ibon al
ibibenta ito Ano ang maaaring mong gawin upang mahinto ito?
3 Nakasanayan mong maligo na gumagamit ng shower, narinig mong malaki ang babayaran ninyo sa tubig. Paano ka
makakatulong upang mabawasan ang inyong bayarin sa tubig?
4. Nasaksihan mo ang pagtatapon ng mga kontaminadong basura galing sa isang ospital sa inyong barangay, alam mong
delikado ito sa kalusugan. Anong gagawin mo?
5. Namasyal kayo sa isang mangrove area at marami kayong dalang pagkain. Nakita mong nagtapon ng basura ang
isa mong kasama. Ano ang maaari mong gawin?
6. Nagkaroon ng proyekto ang inyong barangay tungkol sa paglilinis ng inyong nasasakupan, at pagtatanim ng
mga namumungang punong kahoy Sasama ka ba sa gawain?
7. Naabutan mong nagsusunog ng basura ang iyong ate at alam mong ito ay masama sa kalusugan dahil mga
plastic at mga sirang gulong ang sinusunog nya. Paano mo sasabihan ang iyong ate na hindi sya magagalit sa
iyo?
8. Maraming malalaki at matatandang punong kahoy sa inyong bakuran at nais na itong putulin ng iyong tatay
Anong dapat gawin upang mapalitan ito?
9. Mahilig magtanim ng halaman ang iyong nanay. Nakita mong marami syang mga halamang galing sa
kabundukan na alam mong bawal kunin. Ano ang gagawin mo?
10. Dumating ka sa bahay ninyo at naabutan mong nandoon ang kuya mo, nakabukas ang ilaw at electric fan ninyo kahit
mataas na ang araw. alam mong magastos ito sa kuryente at tataas ang inyong bayarin, pagsasabihan mo ba sya?
DAI
2, Kubin Alf​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.