Questions


October 2022 1 4 Report
Edukasyon o kayamanan
Anonymous
Lakandiwa:
Sa panahon ngayon ay ano ba ang mahalaga Edukasyon ba o ang kayamanang tinatamasa? Alam kong lahat ng tao'y naghahangad ng ginhawa At ng karunungang nagpapapaunlad sa diwa Kanina pa sila nakatayo nito sa may gitna Kung baga sa sundalo ay nakahanda na sa digma Kanino kayo papanig dito ba o sa kabila? Makinig nang husto at buksan ang inyong pang-unawa. Ang titindig sa edukasyon hangad niya ay talino 'Pagkat ito ang pinili niyat talagang ginusto Kaya't karangalan niyang matawag na isang henyo Karunungan ay kasama na ng kanyang pagkatao. Ang tingin ko sa kanyang katalo ay isang praktikal 'Pagkat itong kayamanan ang higit na minamahal Kung mayroon kang kayamanan para na ring may dangal Marahil ito ang nasa isip niya't iaaaral.
Nararapat lang na ang bagay na ito'y mapag-usapan 'Pagkat ang lahat ng tao ay mayroong kinalaman Dahil tayong pinakasentro't pinatatamaan Dapat lang makialam at huwag isara ang isipan.

Edukasyon:
Ang kailangan ng lahat ng tao ay edukasyon Ito'y isang tulay upang maabot mo ang ambisyon
Kailangan nating sumabay sa takbo ng panahon Mahirap maging mangmang at ituring na 'sang patapon. Ang edukasyon ay masasabi na ring kayamanan 'Di mauubos dahil nakalagay sa iyong isipan Kaibigan, maganda ang mayroong pinag-aralan Para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Ang literal na kayamanan ay mapapasaiyo Dahil magkakaroon ka rin ng magandang trabaho Kahit maralita lang balang araw ay aasenso Labat ay posible kung ikaw ay isang edukado. Kung nakapag-aral malayo ang iyong maaabot Ang mahahawakang salapi ay 'di lang kakarampot Maaari ka ring maging among nakakapagpaikot Di isang tauhan na tila sunud-sunurang robot. Walang imposible sa taong may isipang malawak Naghahatid sa tagumpay dahil isa itong pakpak Habambuhay na dala-dalat nasa likod ng utak
Daragin man sa apoy ay 'di rin mawawasak. Ano ang kabuluhan ng kayamanang nauubos? Baka kapag nawala na'y kasama ka ring matapos Huwag mananalig sa kayamanan mong dinidiyos Ibigin mo ang edukasyon ito ang
aking utos!

Kayamanan:
Ang mahalaga sa daigdig na ito ay kayamanan 'Di ba't mas mainam kung maraming perang
nahahawakan? Ang sobrang pag-aaral ay pahirap lang sa katawan Pinahihirapan nang husto ang sarili 'di naman
yayaman. Ang kayamanan ay 'di isang librong isinasaulo Kundi magagamit sa araw-araw na pamumuhay mo Dahil sa kayamanan magagawa lahat ng gusto Malakas ang impluwensya mo't kapit sa gobyerno. Ang diploma't medalya ay palamuti lang sa dingding Nag-aral ka nga pero ba't tila mayroong tililing? Samantalang ang kayamanan magagamit sa magaling 'Di maghihirap nang husto kagipitan ma'y dumating. Ang edukasyon ba ay agad mo nang makakain? Magagastos ba 'yan sa tindahan kung may nais bilhin? Kung mayroong kayamanan 'di
maaaring gutumin 'Di na kailangan na ang isip mo ay pigain. Kapag masaganan marami ka ring matutulungan
Mga kapatid na dukha at nangangailangan Na 'di man lang makapasok sa matinong paaralan Tapos ngayon ay
itinuturing n'yo pang walang alam. Paano sila makakapag-aral kung walang pera? P'wera na lang kung iskolar na may sumusuporta Alam mong taun-taon tumataas ang matrikula Kaya't sa edukasyon ay 'di na ako aasa pa!

Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang kailangan ng isang tao upang maabot ang ambisyon sa buhay?
2. Isa-isahin ang mga katuwiran o paliwanag sa panig ng kayamanan ang mahalaga sa mundo.
3. Ano ang masasabi mo sa pahayag ng mga panig sa Edukasyon? Aling bahagi ng katuwirano
argumento ang iyong pinakagusto sa panig na ito?
4. Makatwiran ba ang paliwanag ng Lakandiwa sa ikalimang saknong? Bakit?
5. Kung ikaw ay papipiliin, Edukasyon o kayamanan, alin ang bibigyan mo ng katuwiran
Ipaliwanag ang sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.