Questions


December 2022 1 6 Report
I. PANUTO: Basahin ang bawat pahayag. Pilliin ang tamang sagot.
Bahagi ng Pahayagan

1. Nais ni Rowena na maghanap ng trabaho. Saang bahagi ng pahayagan siya titingin?

Balitang Pandaigdig
Lifestyle
Pangmukhang Pahina
Anunsiyo Klasipikado

2. Mahalagang alam mo ang mga nangungunang balita para sa balitaan ninyo sa Araling Panlipunan.

Pangulong Tudling/ Editoryal
Pangmukhang Pahina
Balitang Pandaigdig
Balitang Panlalawigan

3. Matapos magbasa ng balita, paboritong sagutan ni Jojo ang palaisipan. Sa anong bahagi ng pahayagan ito makikita?

Libangan
Lifestyle
Pangmukhang Pahina
Isports

4. Ibig mong alamin ang pananaw o pakahulugan ng patnugot sa isyu tungkol sa unang 100 araw ng Presidente. Alin sa mga sumusunod ang sasangguniin?

Pangmukhang Pahina
Balitang Pandaigdig
Balitang Panlalawigan
Pangulong Tudling/ Editoryal

5. Saan bahagi ng pahayagan makikita ang nasa ibaba? 12 pasyente ng SARS sa Beijing, China ligtas na.

Pangmukhang Pahina
Balitang Panlalawigan
Pangulong Tudling/ Editoryal
Balitang Pandaigdig

6 Dito makikita ang mga anunsiyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo, bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y pinauupahan.

Pangmukhang Pahina
Anunsiyo Klasipikado
Lifestyle
Balitang Pandaigdig

7. Tinataglay nito ang pangalan ng diyaryo pahayagan at ang mga pangunahing balita sa isang araw.

Balitang Panlalawigan
Pangulong Tudling/ Editoryal
Balitang Pandaigdig
Pangmukhang Pahina

8. Tinataglay nito ang opinyon o kuro-kuro ng patnugot tungkol sa napapanahong isyu.

Anunsiyo Klasipikado
Libangan
Pangulong Tudling/ Editoryal
Pangmukhang Pahina

9. Mga balita tungkol sa artista, ipalalabas na pelikula, programa sa telebisyon, concert, play, at iba pa. Naririto rin ang crossword puzzle, komiks istrip, at horoscope.

Isports
Libangan
Anunsiyo Klasipikado
Lifestyle

10. Mga balitang nagaganap sa mga lalawigan o rehiyon sa ating bansa ang nilalaman ng bahaging ito

Balitang Pandaigdig
Pangulong Tudling/Editoryal
Pangmukhang Pahina
Balitang Panlalawigan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.