Questions


September 2022 1 1 Report
Ebalwasyon
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang mahabang salaysay sa buhay ng isang tao?
A. Bionote
B. Curriculum Vitae
C. Jornal
D. Talambuhay
2. Ano ang isang maikling sulating nagbibigay impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga
mambabasa o tagapagkinig?
A. Bionote
B. Curriculum Vitae
C. Talambuhay
D. Talata
3. Detalyadong isinalaysay ang mga impormasyon hinggil sa buhay ng isang tao sa
A. Bionote
B. Curriculum Vitae
C. Magazin
D. Talambuhay
4. Naglalaman ng mga personal na impormasyon na ginagamit sa paghahanap ng mapapasukang trabaho ang
A. Antolohiya
B. Bionote
C. Curriculum Vitae
D. Talambuhay
5. Ang bio ay mula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin sa Filipino ay
A. Buhay
B. Impormasyon
C. Kulay
D. Tala
6. Bakit naglalagay ng bionote ng awtor ang mga tagapaglathala ng aklat?
A. Upang makilala ng mambabasa ang awtor at mai-promote ang aklat.
B. Upang makilala ang awtor at nang mapuri ng mambabasa.
C. Dahil kailangan talagang may bionote ng awtor ang aklat,
D. Dahil uso na sa ngayon na may bionote ng awtor ang aklat.
7. Magkatulad ba ang bionote at talambuhay?Hindi, dahil:
A. batay sa salitang autobiography ang bionote.
B. mas maikli ang bionote kaysa sa talambuhay.
C. mas maikli ang talambuhay kaysa sa bionote.
D. Hindi, dahil para sa isang propesyonal ang bionote.
8. Bakit mahalaga ang bionote sa mga tagapakinig?Dahil:
A. mauubos ang oras kung talambuhay ang gagamitin.
B. nakababagot ang mahabang pagpapakilala ng tagapagsalita.
C. nakikilala nila nang mabuti ang tagapagsalita.
D. nakikilala nila ang tagapagsalita kahit sa sandaling panahon lamang.
9. Alin ang katangian ng bionote?
A. Mahaba
B. Maikli
C. Maligoy
D. Mataas
10. Alin ang HINDI nagpapakita ng isang mahusay na bionote?
A. Detalyado ang pagkakalahad ng mga impormasyon.
B. Gumagamit ng ikatlong panauhan sa pagtukoy ng ipinakikilala.
C. Binibigyang-diin ang pinakamahahalagang impormasyon.
D. Tapat sa paglalahad ng impormasyon.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.