E TAMA O MALL
1. Ang pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtuturo ngpagpapahalaga at
pananagutan sa kabuhayan at likas-yamang pinagkukunan
2. Ang bawat talentong ipinagkaloob ng ating Maykapal ay hindi natin ibabalik sa
pamamagitan ng pagtulong sa kapuwa upang linangin ang kanyang talentong taglay na nagsisilbing
susi sa kanyang tagumpay
3. Lahat ng mga bagay na nakikita natin sa ating paligid ay likha ng Diyos, may buhay
man o wala, kailangan nating mahalin at pahalagahan
4. Maging malikhain, isapuso at matutong manggaya ng konsepto ng iba upang maging
maganda ang resulta ng iyong ginagawa at maipagmalaki mo ito.
5. Ang kakayahan mo na makalikha ng natatanging bagay ay puwedeng maging
kasangkapan upang makagawa ng mga magagandang bagay para sa paaralan, lalo na kung ikaw ay
bahagi ng organisasyon at pampublikong pampaaralan na nais ayusin at pagandahin pa ang iyong
paaralan
6. Ang mga batas at patakarang ginagawa ng tao ay hindi para sa ikabubuti ng lahat ng
tao, bagkus ito ay para lamang sa mga nakaririwasa sa buhay.
7. Kailangan ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman upangmatugunan ang
pangangailangan ngayon at sa hinaharap.
8. Kung patuloy kang magsusumikap at magtitiyaga sa mga bagay na nais mong
mangyari at makamit sa buhay, makatitiyak kang balang araw, hindi ka lang magbibigay ng
karangalan sa iyong sarili o pamilya, kung hindi pati na rin sa buong bansa
9. Bilang mamamayan ng ating bansa at ng buong mundo, hindi natin dapat sundin at
suportahan ang mga batas pang kalikasan upang maging maganda at kapaki-pakinabang ang mga
likas-yaman ng bansa
10. Sa mga bagay o gawain na iyong natatapos palaging magpasalamat at pahalagahan
lalong-lalo na ang mga tao na tumulong sa iyo dahil kasama mo sila sa iyong tagumpay.
Address: San Jose, Roridablanca, Pampanga​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.