E. Pagsasabuhay ng Pagkatuto Panuto: Pumili ng isang samahan na maituturing na lipunang sibil. Isulat sa kolum A ang tatlong (3) kahalagahan ng kanilang adbokasiya; tatlong (3) paraan paano ka makikiisa sa kolum B; tatlong (3) paraan kung paano mo hihikayatin ang iba na makiisa rin sa kanila sa kolum C, at tatlong (3) mabubuting epekto nito sa lipunan sa kabuuan sa kolum D. Napiling samahan Kahalagahan ng kanilang adbokasiya Paano ako makikiisa sa kanila? Paano ko hihikayatin ang iba na makiisa rin sa kanila? Epekto nito sa lipunan 1. 2..
Pa answer po plsss ☺️
Answers & Comments
Answer:
F. Pagsasabuhay ng Pagkatuto
Napiling samahan Greenpeace Philippines
Column A
Kahalagahan ng kanilang adbokasiya
1. Mahalaga ang kanilang adbokasiyang mapaganda ang kapaligiran.
2. Naipaglalaban nila ang kalinisan ng kapaligiran.
3. Napapangalagaan nila ang kapaligiran.
Column B
Paano ako makikiisa sa kanila?
1. Sasali ako sa kanilang programa at makikibahagi ng aking idea upang mas lalong mapaganda ang kapaligiran.
2. Maaari akong sumama sa kanilang mga protesta na maipaglaban ang karapatan ng kalikasan.
3. Sasali ako sa paglilinis ng kapaligiran na pangungunahan nila upang manumbalik ang dating ganda ng kalikasan.
Column C
Paano ko hihikayatin ang iba na makiisa rin sa kanila?
1. Sa pamamagitan ng social media maipapaliwanag ko ang kahalagaan ng maayos at malinis na kalapigiran.
2. Ipapaliwag ko sa iba ang kahalagaan ng pakikiisa sa protesta upang mapakinggan ang kalooban ng samahan.
3. Hihikayatin ko ang iba na sumama sa paglilinis ng mga kalsada, daan. at maging mga katubigan.
Column D
Epekto nito sa lipunan.
1. Ang magandang adbokasiyang ito ay mapapanatili ang pagkakaisa ng bawat mamamayan na mapanatili ang kaayusan ng kapaligiran.
2. Mapapakinggan ng pamahalaan ang saloobin ng samahan sa pamamagitan ng pag protesta para sa ikakabuti ng lahat.
3. Sa pamamagitan ng paglilinis ng kapaligiran masasabuti ang kaligtasan at kalusugan ng bawat mamamayan sa lipunan.
Reymark R. Bumatay
9 - Silver
Goodluck and God bless Everyone, Kaya nyo yan!