E Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Masdang mabuti ang mga nota sa limguhit sa G Major Scale. Basahin ang mga so-la silaba at ang ngalang tono nito. Kung ihahambing mo sa C Major Scale, ano ang pagkakaiba? Isulat sa iyong sagutang papel ang mga nakita mong kaibahan. 31 PIVOT 4A CALABARZON Music G5
Answers & Comments
Answer:
Explanation:
Ang G Major scale at C Major Scale ay parehong diatonic scales na may iisang pattern ng distansiya sa bawat scale degrees o nota.
Ang G Major scale at C Major Scale ay may tatlong pagkakaiba. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Home tone o tonic ng scale: Ang pitch name na nagsisilbing umpisa ng scale degrees.
Ang home tone o tonic ng G Major scale ay ang G samantalang ang home tone o tonic ng C Major scale ay ang C. Ang home tone o tonic ay nagsasabi kung ano ang pangalan ng key. Sa major key, halimbawa ang umpisa ng scale ay sa Eflat, ang pangalan ng key ay Eflat Major.
2. Key signature: Ito ay ang mga simbolo ng flat o sharp na nakasulat sa unahan ng staff.
Ang G Major scale ay may isang sharp (F#) at ito ay nakasulat sa ikalimang linya o guhit ng limguhit samantalang ang C Major scale ay walang sharp o flat.
3. Umpisa ng scale
Ang G Major scale ay nag-uumpisa sa ikalawang linya o guhit ng limguhit samantalang ang C Major scale ay nag-uumpisa sa unang ledger line sa baba ng limguhit.
G Major scale at C Major scale
brainly.ph/question/22702604
#LETSSTUDY