Questions


October 2022 1 0 Report
Duwag nga ba si Benjo?

Kagagaling lang sa paaralan ni Benjo. Niyaya siya ng kanyang
kamag-aral na pumunta sa bahay nina Toto. Ang sabi ng kamag aral
niya ay mayroon lang silang mahalagang gagawin. Wala pa ang
nanay ni Toto. Umuwi ito sa kanilang probinsiya upang dalawin ang
malayong kamag-anak kaya libreng-libre sila anuman ang kanilang
gawin. Inilabas ni Toto ang isang pakete ng sigarilyo. Kinuha ang
lighter at sinimulan itong sindihan. Hinitit niya ang isang stick at
ibinigay ang nasa pakete sa kamag-aral. Matamang nakatingin
sa kanila si Benjo nang tawagin siya ni Toto para ibigay ang isa.
Tumanggi si Benjo at sinabi "Masama ito sa kalusugan at pagagalitan
ako ng Nanay ko." Muli siyang inalok ngunit tumanggi siya at sinabi,
diyan na kayo, uuwi na ako. Hanapin ako ng Nanay ko. Kinabukasan
pagpasok sa paaralan, tinukso na si Benjo ng kanyang mga
kamag-aral na duwag. Tuwing hapon, ginagawa ng mga kamag-aral
niya ang ganoong gawain. Hanggang isang araw, umiiyak na
humuhingi ng tulong si Toto. Tinanong ng kanyang guro kung ano ang
nangyari. Sinabi ni Toto na hindi makakilos ang kanyang kamag-aral.
Manhid ang buong katawan. Marahil ito dulot ng nikotina ng sigarilyo.
Dinala siya sa pinakamalapit na hospital. Kinabukasan tinawag sila
ng guro upang disiplinahin sa kanilang ginawa. Mula noon si Toto ay
hinigpitan ng kanyang magulang dahil nalaman nila na may kinalaman
siya sa pangyayari

1. sa palagay mo, duwag nga ba si benjo? bakit?

2.pano ginamit ni benjo ang kanyang isip at kilos loob?

3.Bilang mag aaral paano mo lilinangin ang iyong isip at kilos loob?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.