1. Mahalaga ang tamang pananaw sa sekswalidad dahil
Dahil bukod sa napapanatili natin ang ating dignidad,naiiwasan din nating masaktan,makasakit,at makatisod ng iba.Bukod Diyan, napapanatili natin ang malinis na katayuan sa Harap ng Diyos.
2. Ang panonood ng pornograpiya ay
masama.Ito ay pumupukaw sa maling pagnanasa sa di-kasekso,at maaaring magdulot ng imoralidad-na siyangkasalanan sa mata ng taoat ng Diyos.(-Santiago 1:15)
3. Ang pakikipagtalik bago ang kasal ay
ilegal.Hindi ito dapat ginagawa ng mga taong hindi pa kasal. Ang pagtatalik ay isang kaloob ng Diyos para sa yaong mga mag-asawa (sa mga legal na kinasal lamang).Sagrado ang pagtatalik at hindi ito dapat isinasagawa ng dahil lamang sa kagustuhan at maling pagnanasa.
4. Ang kilos ng taong gumagalang sa sekswalidad ng sarili at kapuwa ay
maingat at pinag-iisipan.Nais ng isang taong may paggalang sa sekswalidad ng sarili at kapuwa na ang bawat pasya at kilos niya ay mainam, hindi ikatitisod ng iba, at pinag-iisipang mabuti. Naisaaalang-alang niya ang bawat indibidwal bago kumilos at magsalita.
5. Ipinangako ko sa aking sarili at sa aking magulang na
Sa ganang akin, igagalang ko ang aking sekswalidad at ang sekswalidad ng iba. Hindi ako gagawi ng anumang bagay na ikasisira ng aking reputasyon,ikakatisod ng iba, o ikapupukaw ng maling pagnanasa ng iba. Hindi ako susubok na tumingin,manood,o magbasa ng pornograpiya,at ipapangako kong ang pagtatalik,para sa akin,ay banal at napakasagrado,at naiintindihan kong para lamang ito sa mag-asawa.
Answers & Comments
Verified answer
SEKSWALIDAD
1. Mahalaga ang tamang pananaw sa sekswalidad dahil
2. Ang panonood ng pornograpiya ay
3. Ang pakikipagtalik bago ang kasal ay
4. Ang kilos ng taong gumagalang sa sekswalidad ng sarili at kapuwa ay
5. Ipinangako ko sa aking sarili at sa aking magulang na
ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ
#CarryOnLearning☁️