Dugtungan ang bawat pariralang pang abay upang makabuo ng makabuluhang pangungusap.Pagkatapos ay isulat sa patlang kung ito ay may uring pamaraan,panlunan, o pamanahon
Uri ng Pang abay
___________1. (marunong makipag-usap)_________
___________2. (bukas ng hapon)________
___________3. (sa ibabaw
ng mesa)________
___________4. (maagang gumising)________
___________5. (sa susunod na taon)________
Answers & Comments
Explanation:
Pamaraan 1. Si Anna ay marunong makipag-usap sa mga turistang dayuhan na galing sa Spain.
Pamanahon 2. Bukas ng hapon ang magaganap na fiesta sa Lungsod ng Quezon
Panlunan 3. Nakalagay sa ibabaw ng mesa ang tinahing damit ni Aling Nena.
Pamaraan 4. Maagang gumising si Isko para mag-handa sa kaniyang pagpasok sa eskuwelahan.
Pamanahon 5. Ang ina ni Gemma na nasa ibang bansa nagtatrabaho ay uuwi sa susunod na taon dito sa Pilipinas.