Questions


September 2022 0 4 Report
“DUGO AT LAYA”

Tanging lalaki kang nagmahal sa bayan
Na ang sinandata’y panitik na tangan…
Nang ikaw’y barilin ng mga kaaway
Dugo mo ang siyang sa laya’y umilaw!

Sa dalawang mahal na laman ng isip,
Na Irog at Bayang kapwa mo inibig…
Bayan ang piniling mabigyan ng langit
Kahit ang puso mo ay sakdal ng hapis.

Namatay ka upang mabigyan ng laya
Ang sinilangan mo na lahi at lupa…
Sa tulog na isip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa.

Nabubo sa lupa ang mahal mong dugo –
Ang galit ng bayan naman ay kumulo…
Kaya’t nang mabutas ang mahal mong bungo,
Ay laya ng lahi naman ang nabuo!

MGA KATANUNGAN::

Ilang pantig ang bawat taludtod sa bawat saknong?

Ilang saknong ang tula?

Magkakatugma ba ito? Ano- ano ang mga salitang magkakatugma sa bawat taludtod sa bawat saknong?

Piliin ang mga salita na may kariktan at ibigay ang kahulugan

Piliin ang mga salita na may talinghaga

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.