"Doon po sa amin"
Ito ang aking tahanan. Dito nakatira ang aking pamilya. Masaya kaming naninirahan
dito. Sa silangan ng palaruan makikita ang aming paaralan. Dito hinuhubog ang kaisipan
tungo sa pag-unlad. Marami ang nag aaral dito at magagaling ang mga guro rito.
Sa pinakacentro ng komunidad makikita ang aming simbahan. Dito sama samang
nanalangin ang mga tao. Ito din ang namumuno sa mga pagdiriwang ng panrelihiyon.
Malapit sa bahay naming ang pook-libangan. Dahil sa palaruang ito, nabuo ang
pagsasamahan ng bawat isa. Dito ginaganap ang programa at palabas ng aming komunidad.
Sa Kanluran ay may health center. Sa health center pumupunta ang mga tao upang
magpakonsulta ng kanilang karamdaman. Ang health center din ang nangangalaga sa mga
kalusugan ng mga tao.
Mayroon din kaming pamilihan. Dito rin kami namimili ng aming mga pangangailangan.
1. Ano-ano ang mga inilirawang gusali at lugar na bumubo sa kanilang komunidad?
2. May mga ganitong mga gusali din ba sa inyong komunidad? Ipaliwanag ang sagot.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.