Questions


December 2022 1 0 Report
Ano ang kaya kong gawin? Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Sagutan ang mga katanungan tungkol dito.

Tinig ng Kabataang Pilipino

ang mga kabataan ay may pangarap sa buhay. Nais nilang ipakita ang tapat na pagmamahal sa bayan. Nais ng mga kabataan na ang nagpapatupad ng mga batas ng bansa ay mamamayang nagpapanatili ng katahimikan. Laging sinisiguro ang kapayapaan. Nais nila ang mga tapat na pinuno at mamamayang nagmamahal sa Diyos. Pangarap ng mga kabataan ang pagkakaroon ng ligtas na kapaligiran. Kapaligirang may sariwang hangin, malinis na tubigan at matabang lupa. Isang magandang kapaligirang walang polusyon. Idagdag pa rito ang isang tahimik at maunlad na pamayanan. Hangad rin ng mga kabataan na magkaroon ng tunay na edukasyon. Gabay nila ang edukasyon para sa kinabukasan. Ang kaalamang natamo sa mga kursong kanilang pinili ay tulong sa kanila na makakuha ng trabaho ng angkop sa tinapos na kurso. Karamihan sa kanila ngayon ay nasa kursong panteknolohiya. (scribd.com/document)

A. Gumawa ng balangkas tungkol sa sanaysay. Sundin ang hakbang sa paggawa ng balangkas. Isulat ito sa iyong sagutang papel o notbuk.

B. Ibigay ang pangunahing paksa ng sanaysay humingi ng tulong sa iyong mga kasama sa bahay. Isulat ang iyong sagot sa notbuk o journal.

C. Kumuha ng tala buhat sa binasang sanaysay. Isulat ang iyong sagot sa notbuk o journal.

D. Ibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang sanaysay. Magpatulong sa iyong mga kasama sa bahay kung paano mo ito magawa ng maayos. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel o notbuk.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.