Questions


November 2021 0 4 Report
DIVISION OF GEN. TRIAS CITY Project ISULAT - ACTIVTY SHEETS in FILIPINO
(Intensifled Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets)
Ang estilo o teknik ay tumutukoy sa tanawin ng bawat kuha ng kamera. Ang
isa sa mahalagang sangkap nito ay ang mga non-actors o ang mga totoong
tao sa paligid na walang ginagampanang anumang karakter. Ang lugar din
ay aktwal, hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Bahagi din
ng estilo ang iba't ibang uri ng anggulo o kuha ng kamera sa maikling pelikula.
B. Basahin at pag-aralan ang mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang
anggulo o kuha ng kamera tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ito ay anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi.
a. long shot
c. close-up shot
b. bird's eye view
d. medium shot
2. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong lugar upang bigyan ng ideya ang
manonood sa magiging takbo ng buong dokumentaryo.
a. panning shot
c. extreme-close-up
b. high angle shot
d. long shot
3. Ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang, halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha.
a. long angle shot
c. medium shot
b. close-up shot
d. extreme close-up
4. Isang mabilis na pagkuha ng anggulo upang masundan ang detalyeng
kinukuhanan tulad ng isang taong kumakaripas ng takbo.
a. long shot
c. low angle shot
b. bird's eye-view
d. panning shot
5. Kuha ng kamera mula sa tuhod paitaas. Karaniwang ginagamit sa mga
eksenang may dayalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
a. close-up shot
c. high angle shot
b. medium shot
d. low angle shot​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.