Disiplina para sa kapaligiran Damhin ang amihang may samyo ng mga bulaklak Iwogit ang lumboy, mangarap at ngumiti sa tuwi-tuwina; Sa kapaligiran ialay ang lugod na abot hanggang alapaap: Iwasan ang pagyurak, pagsira at paggahasa sa kalikasang Ina. Panuntunan ay sundin at ang mga batas na sa ati'y pinaiiral; Lingapin para sa kalupaan, kalawakan, karagatan at kalipi: Isipin muna ang gagawin, kalikasa'y laging isaalang-alang: Nasa disiplina ng tao upang mundo'y laging may ngiti. Araw-araw ang kalinisan at kaayusan kahit saan mang lugar, Dapat isaisip. isapuso at isagawa ng matanda man o bata; O kay saya ng lahat, may disiplina para sa kapaligiran! 1. bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating kapaligiran?
Answers & Comments
Bilang isang mag aaral makakatulong ako sa pamamagitan ng pagsali sa mga proyektong pang kalinisan (Clean green project). Magtatanim din ako ng mga halaman at pagsasabihan ang mga taong nagtatapon ng basura sa mga kalye, sapa, at ilog.