1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin.
2. Simulan ang talata sa paglalahad ng paksa at buod ng pelikula.
Isulat sa rebyu ang sa tingin mong pinakamahalagang eksena
3. Sa ikalawang talata isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang
nagsiganap. Magkomento kung naging epektibo ba ang karakter
ng aktor/artista sa pelikula.
4. Sa ikatlong talata ilalahad ang puna tungkol sa direksyon/direktor
ng nasabing pelikula.
5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika. Mga
eksenang tumatak sa isip dahil sa mahusay na paggamit ng
kamera,ilaw at lokasyon
7. Sa ikalimang talata isusulat ang kaugnayan ng pelikula sa
kasalukuyan at aral na mapupulot mula nito.
Kailanan ko napo :(
please pakisagutan :(
Answers & Comments
Answer:
Pelikulang: Regalo
By: Sj Suarilla Films
Ito ay tungkol sa dalwang magkaibigan na bata na sina sam at Denmark. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ng makita ni sam si denmark na masayang nakatitig sa kanila habang naglalaro. Nalaman nya na wala pala itong nanay at tatay, isa pa sa kalsada lang pala ito natutulog. Kinabukasan sinama nya si denmark upang mangoriling at nakalikom sila ng mahigit 100 pesos at pinaghatian nila ito. Lumipas ang ilang araw nabalitaan nalang ni denmark na pumunta na pala si Sam sa Maynila. Kahit ganun pa man iniwanan sya ni sam ng munting regalo at ito ay isang damit. Para sa akin ang pinakamahalagang eksena sa pelikulang ito ay nung umalis si sam at nagpuntang Maynila. Dito mo makikita kung gaano nila pinapahalagahan ang kanilang pagkakaibigan at sobrang nakakaantig ang eksenang ito dahil alam naman natin magiisa nanaman sa denmark kahit ganun pa man makikita mo sa mukha nya na masaya sya.
Sobrang napakagaling ng dalawang batang aktor dahil nagampanan nila ng maayos ang kanilang karakter. Madadala ka sa mga emosyon na kanilang pinapakita at kahit bata palang sila sobrang talented na nila. Masasabe ko lang sobrang worth it ito panuoden kase madame kang matutunang aral at makukuhang mensahe sa pelikulang ito. Hinde ka magsisi kase napaka natural umakting ng dalawang bata.
Para naman sa direktor ng pelikulang ito na si SJ Suarilla, para sa akin tamang tama lang pinili nya yung dalwang bata na gumanap bilang aktor ng pelikula na may pamagat na Regalo. Maganda ang kinalabasan ng pelikula sa kadahilanan magaling den ang naging direktor na si SJ Suarilla.
Sobrang ganda ng pelikulang Regalo lalo na yung eksenang pumunta si denmark sa bahay nina sam upang tanungen kung asan ito. Sobrang linaw ng pagkakuha sa eksenang ito at pag aangle ng mga kamera. Maantig ka den sa eksenang ito kaya masasabe kong napakanda ng ginawang sinematograpiya at musika. Saktong sakto yung lokasyon kase maiisip ng mga manoniod na parang totoo talaga yung pelikula o nagyayari sa totoong buhay.
Malalaman mo sa pelikulang ito na sa kasalukuyan mas madame pa tayong makikitang ganun ang buhay kung saan iniiwan sila ng kanilang magulang at walang matirhan. Pero kahit ganun pa man maiisip mo sa pelikulang to na may mabuting tao paren na tutulong sayo at sa mundong mapanghusga may totoong kaibigan ka paren na mahahanap na pagagaanin ang buhay mo. Marerealize mo ren sa pelikulang ito na sobrang swerte mo sa buhay kase nakakain kapa ng tatlong beses sa isang araw at nakakatulog sa malambot na higaan habang yung ibang bata sa kalsada lang nakakatulog.
Explanation:
hope it helps po