Questions


October 2022 1 5 Report
Suring-Pelikula Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Pagsusuri ng Pelikula 1. Isulat ang pamagat ng pelikulang susuriin. 2. Simulan ang talata gamit ang gramatika sa paglalahad ng paksa at buod ng pelikula. 3. Sa ikalawang talata, isusulat ang mga papuri/puna sa tauhang nagsiganap. 4. Sa ikatlong talata, ilalahad ang puna tungkol sa direksiyon/direktor ng nasabing pelikula. 5. Sa ikaapat na talata naman ang sinematograpiya at musika. 6. Sa ikalimang talata, isusulat ang isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan. Pormat ng Panunuring Pampelikula I. Pamagat II. Buod ng Pelikula III. Mga Tauhan IV. Direksiyon/Direktor V. Mga Aspektong Teknikal a. Sinematograpiya b. Musika VI. Isyung mahihinuha sa pelikula na may kaugnayan sa kasalukuyan Sa pagsulat ng suring-pelikula, dapat isaalang-alang ang mga kahusayang gramatikal tulad ng sumusunod: 1. Tamang Pagbabantas Ang paggamit ng tamang bantas sa pagsulat ng isang suringpelikula ay kailangan upang maging epektibo ang pagsulat. Ang maling paggamit ng bantas ay nagbubunga ng maling interpretasyon sa ipinahihiwatig na ideya. 14 Pamagat ng Pelikula Isyung mahihinuha _______________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Sarilingpananaw___________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Tamang Baybay Kailangang maipakita ang tamang baybay ng salita sa suring pelikula upang hindi mapulaan ang isang manunuri na hindi maayos ang pagkakasulat ng kaniyang pagsusuri. Makailang basahin ito upang makita ang kawastuhan sa baybay. 3. Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangungusap Upang maging mabisa ang pagkakabuo ng mga pangungusap, kailangang wasto ang gamit ng mga salita sa loob ng pangungusap, gayundin ang organisasyon ng mga ideya.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.