dhin at unawain ang tula.
"Ang Mabuting Pagkakaibigan"
Isinulat ni Heina M. Ureta
Bawat isa sa atin ay may tunay na kaibigan
Kaibigan, na masasandalan sa panahon ng kahirapan,
Kasama sa masayang biruan at malutong na tawanan.
Ito'y habang buhay na nakaukit sa aking isipan.
Sa kanila natutunan iba't-ibang kaalaman.
Katuwang sa pagpapaunlad ng sariling kakayahan.
Sabay napalawak ang kaisipan at karunungan.
Sana makamtan nang bawat isa ang tamgumpay nainaasam
Nawa'y ang pagkakaibigan ay tumibay.
Sa tulong at gabay ng Maykapal.
Walang makabuwag, sa tagtag ng samahan.
Mapatunayan nang sinuman ang salitang 'Walang Iwanan!"
A. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan ukol sa tula.
1. Ayon sa tulang binasa, ano ang mayroon sa bawat isa?
2. Ano ang ibig sabihin ng salitang "kaibigan"?
3. Ano ang naramdaman mo sa binasang tula?
4. May kabutihang maidudulot ba ang pagkakaroon ng isang kaibigan? Magbigay ng
tatlong (3) halimbawa ng magandang dulot nito.
5. Sa lahat ba ng pagkakataon ay dapat tumulong sa ating kaibigan? Bakit?
Answers & Comments
Answer:
1.ang bawat isa sa atin ay mayroong tunay na kaibigan.
2.ang ibig sabihin sa salitang "kaibigan"ay isang taong handang tumulong sayo sa gitna ng kagipitan,ang taong kahit kailan hindi ka iiwan,yung taong magiging kaagapay mo sa lahat ng bagay,isang taong ituturing kang pamilya at susuporta sayo sa lahat bagay.At lalong lalo na yung taong marunong umintindi at mamahalin tayo ng tunay.
3.ang naramdaman ko sa binasang tula ay pagkasaya na may kasamang luha sapagkat kahit papano sa buhay natin ay may isa tayong mga tunay at totoong kaibigan.
4.Oo,mayroong kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng kaibigan.Una,sa tuwing may problema tayo maari natin silang lapitan at pagsabihan.Pangalawa,bukod sa suportang naibibigay ng pamilya sa atin ay natutulungan rin tayo ng ating mga kaibigan na palakasin at patatagin ang ating kalooban.Pangatlo,sila rin yung mga taong tutulunga tayo kapag nangangailangan at nasa kagipitan.At higit sa lahat pinararamdam din nila sa atin ang pagmamahal kagaya ng isang pamilya.
5.Sa tingin ko hindi,kasi darating ang araw na bawat isa sa atin ay magkakaroon na ng sariling responsibilidad.At hindi rin maaaring tulungan ang isang kaibigan kung ang layunin nito ay masama.