Questions


September 2021 1 106 Report
D.
Basahin at unawain ang talata sa bawat bilang. Pagkatapos, bigyan ito ng magandang
pamagat na aangkop sa paksa ng talata. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1.
Isang bakasyon, sa likuran ng hardin sa lumang bahay nina tatay sa
Lungsod ng Vigan, isang lumang barya ang aking nakita. Agad ko itong pinulot
at pagkatapos ay tumakbo ako kay Lola. Tinanong ko siya kung tama nga
ang aking hinagap, kung ito nga ay piso ng nakaraang lipunan. Mabilis ang
tugon ni Lola, at sinabing iyon nga ang piso noong kanilang panahon. May
kalakihan at may kabigatan, hindi gaya ng hitsura ng piso ngayon.
2.
Kung pupunta ka ng Sagada, ihanda ang iyong sarili para sa mga
pambihirang karanasan. Maliit na bayan ang Sagada ng Lalawigan ng Mountain
Province sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Malayo sa urban na pamumuhay ang Sagada. Malayo sa industriyalisasyon.
Kaya kung nagnanais ka ng payapa, maaliwalas, liblib na lugar, may sariwang
ihip ng hangin, sariwang mga gulay at prutas, sa Sagada ka pumunta. Sa mga
tanawin naman, nariyan ang Kiltepan View, na sa madaling-araw pinupuntahan
ng mga turista sapagkat inaabangan dito ang pagsikat ng araw, Hanging
Coffins, mga kabaong ito na patong-patong na nakasabit sa limestone karst
cliffs, ang Talon ng Bomod-ok, at marami pang iba.
3.
Mahalaga ang mga trekking shoes sa gagawing pamamasyal sa Sagada,
Sa gagawin mong pagtaas at pagbaba sa mga lalakarin, masusubok ang
iyong lakas at tibay lalo na't kung sanay ka sa lungsod na kahit malapit lang
ang destinasyon ay sasakay ka pa. Sa Sagada, mahaharap ka sa paglalakad.
Kapag bibili ka sa tindahan, lalakarin mo ito pababa, kung maghahanap
ka ng makakainan, pupuntahan mo ito, pababa sa pamamagitan pa rin ng
paglalakad. Upang masulit mo ang malinis at sariwang hangin lalakarin mo ang
pataas-pababang mga kalsada. Kung nais mo ring pumitas ng sariwang mga
dalandan, sa bukana lamang ang iyong sasakyan at maglalakad ka ulit. Sa mga
pakikipagsapalaran sa mga kuweba gaya ng Lumiang Cave, ibayong tibay at
lakas ng mga binti at paa ang kailangan mo sa paglalakad. Napakaesensiyal
ng paglalakad sa buhay ng tao. Nagpapalusog ito ng pangangatawan.
4.
Maraming tao sa mga pasyalan gaya ng Children's Park at Rizal Park sa
Maynila, EcoPark, UP Sunken Garden, Quezon Circle sa Lungsod Quezon, at sa
iba pang pasyalan. Makikita rito ang ama't ina na masayang sinusubaybayan ng
mga tingin ang mga naglalarong mga anak, ang magkakaibigan na masasayang
nagkukuwentuhan habang kumakain ng popcorn, mais, at anumang kutkutin;
ang mga mag-aaral na nag-eensayo ng sayaw. Iba-ibang tao na may iba't
ibang dahilan ng pagtungo sa park o mga pasyalan lalo na sa araw ng Linggo

pls help, even one question plssss
ty :))))))​
pls i-pa pass ko na tomorrow

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.