Daragang Magayon ni Damiana Eugenio Katulad ng lahat ng alamat, nangyari ang kuwentong ito noong unang panahon. Naganap ito sa payapang rehiyon ng Ibalong sa maliit na bayan ng Rawis na pinamumunuan ng makatarungang datung si Makusog. Ang asawa ng datu na si Dawani ay namatay sa panganganak. Kavat nanatiling iisa ang anak ni Datu Makusog isang anak na babaeng walang kapares sa kagandahan at kabaitan, si Daragang Magayon. Hindi tuloy nakapagtataka kung bakit dumadayo ang napakaraming manliligaw mula sa ibang tribu, kabilang na ang nasa malalayong bayan, upang mabihag ang puso ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pang kayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga. Ngunit wala ni isa sa mga binatang ito ang nakakuha ng pagtingin ng magandang binibini. Wala, kahit ang makisig at mapagmataas na si Pagtuga, ang dakilang mangangaso at datu ng Iraga. Kahit pa pinaulanan ni Pagtuga ng mga handog na ginto, perlas, at iba pangkayamanan ang ama ni Magayon, ay hindi pa rin nito nakuha ang loob ng dalaga. Isang katangi-tanging binatilyo ang nagpakita si Rawis: si Ulap, ang tahimik ngunit matapang na anak ni Datu Karilaya ng Katagalugan. Naglakad siya nang malayo upang makita ng sarili niyang mga mata ang ipinagbunying kagandahan ni Daragang Magayon. Ngunit hindi katulad ng ibang manliligaw, nagdahan-dahan si Ulap. Tiniisniya ang magnakaw lamang ng mga sulyap mula sa malayo habang nagtatampisaw si Daragang Magayon sa ilog ng Yawa. Pagkatapos ng isang maulang gabi, pumunta ulit si Magayon sa Ilog Yawa upang magtampisaw. Nadulas siya sa batuhan at nahulog sa malamig na ilog. Dagli-dagling sumaklolo si Ulap at binuhat ang nangangatog na dilag pabalik sa dalampasigan. Ito ang naging simula ng pag-iibigan ni Daragang Magayon at ni Ulap.Ilang beses pang nagtagpo si Ulap at si Daragang Magayon. Hanggang sa isang araw, sinundan ni Ulap si Magayon sa pag-uwi. Pagdating sa bahay ni Datu Makusog, buong lakas nang loob na ibinaon ni umiwas ng tingin. Dahil dito. napagtanto ni Datu Makusog na umiibig ang kaniyang nag-iisang anak, kayat hindi na siya nagpahayag ng kahit anong pagtanggi. Tuwang-tuwa si Magayon at si Ulap Binalak nilang gawin ang kasalan pagkalipas ng isang buwan upang mabalitaan ni Ulap ang kaniyang mga kababayan, at upang makapaghandanang​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.