Dangal sa Paggawa Bawat nilalang ay may kanya-kanyang kakayahan at abilidad Ang handog na ito ng Diyos sa atin ay nararapat lamang nating pagyamanin upang maipamahagi sa mga nanganilangan. lisa ang mithiin ng bawat manggagawa: kumita nang sapat at maibsan ang hirap na nararanasan nang sa gayoy maiwasan ang pagkulo ng tiyan. Bagama't may uri ng trabahong nakahihigit sa iba, pinakamahalaga ay kung paano natin ibinibigay ang lahat ng ating makakaya at nalalaman sa bawat gawaing nakaatang sa atin. Nakalulungkot isiping marami sa ating mga kababayan ang nagugutom. Ang iba'y nagkakasya na lamang sa pamamalimos. Ang iba naman ay gumagamit ng dahas upang makuha ang pinaghirapan ng kapwa. Ayaw nilang patuluin ang sariling pawis upang kahit paano'y mabawasan ang kahirapan. Marahil kung ang isa't isay matututong magpakasakit at matiyaga sa buhay ay may nakalaang tagumpay sa dakong huli para sa kanila. Nakapag-aral man o hindi, sila'y may lugar sa lipunan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga maggagawa. Anumang uri ng hanapbuhay at antas ng pamumuhay sila nabibilang ay kaisa si- la sa hangaring mapaunlad at maiangat ang ating sambayanan.

1. Anong uri ito ng tekstong pampanitikan?

2. Aling handog ng Diyos ang dapat pagyamanin? Kanino ito dapat maipamahagi? Bakit?

3. Anu-ano ang mithiin ng bawat maggagawa? Isa-isahin.

4. Sa iyong palagay, paano dapat magtrabaho ang isang manggagawa?

5. Maraming nagsisikap subalit hindi pa rin gumaganda ang kanilang buhay. Ano ang masasabi mo tungkol dito?

6. Sa kasalukuyang krisis na kinahaharap natin dulot ng pandemyang CoVid 19, paano kaya mabibigyan ng pag-asa ang mga manggagawang nawalan nang hanapbuhay?

7. Paano mo mapapahalagahan ang sanaysay bilang isang uri ng tekstong pampanitikan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.