Naging usap-usapan kamakailan lang ang isang kabanata ng programa ng ABS-CBN na “The General’s Daughter” (TGD).
Ito ay dahil sa pagkakapaslang ng mga karakter nina Nanang Isabelle at Elai sa naturang programa. Ang eksenang iyon ay lubos na pumukaw sa damdamin ng maraming tagatangkilik na Pinoy at maski ng mga netizens.
Kasunod ng pagtatapos ng mga karakter ni Nanang Isabelle na ginampanan ni Maricel Soriano, at ni Elai na ginampanan naman ni Arjo Atayde, nagbahagi ang bida ng programa na si Angel Locsin ng isang mahabang mensahe patungkol sa kanila.
Ang makabagbag-damdaming mensahe na ito ay ibinahagi ni Angel sa kaniyang Instagram account. Ang post na ito ay umani na ng mahigit 127,000 likes.
Sa kaniyang pambungad na salita, inamin ni Angel na nahirapan siyang isulat ang mensahe dahil ayaw niya umanong magpaalam sa dalawang aktor na kaniyang nakatrabaho at napamahal na rin sa kaniya.
Una siyang nagpasalamat kay Maricel Soriano na sa sobrang mapagkumbaba ay ayaw umanong tinatawag na “Diamond Star.” Hindi raw mabubuo ang kaniyang pagiging artista kung hindi raw niya umano makakatrabaho ang nag-iisang Diamond Star.
Kuwento pa ni Angel, sweet at thoughtful rin daw si Maricel na palagi raw nagbibigay sa kaniya ng regalo na magagamit niya tuwing sila ay may taping.
“Hanggang ngayon, kinikilig pa rin ako sa kindness na pinakita niya [Marice] sa ‘kin,” ani Angel.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
#VerifiedAnswer
#LearnAtBrainly
#FollowForMore
#MakeThisAnBrainLiestAnswer