Questions


August 2021 1 6 Report
“Dali! Takbo kayo!" malakas na sigaw ni Mang Antonio. “Pataas na ang tubig!" "Itay! Inay! Hu! Hul Hu! Takot na takot na iyak ni Kristine, ang bunsong anak nina Mang Antonio at Aling Sofia. Gayon na lamang ang pagkabigla ng mga mamamayan ng Barangay Narra nang sila'y gisingin ng isang rumaragasang baha. Maraming bahay ang naanod kasama na ang mga taong hindi namalayan ang pagdating ng baha. Ang iba nama'y nagpilit na makaligtas sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubong ng bahay o paglikas sa kalapit na bundok. "Salamat Diyos ko at kami'y Inyong iniligtas," taimtim na usal ni Mang Antonio. "Mabuti na lamang at ako'y gising kaya naramdaman ko ang pagdating ng baha," sabi ni Aling Sofia. “Kung hindi, baka kasama tayo sa mga nalunod.” "Itay, wala na tayong bahay," umiiyak na wika ni Mark, ang panganay sa magkakapatid. "Hindi bale anak, ang mahalaga'y nakaligtas tayo.” “Eh, bakit po kaya biglang bumaha Itay?" Sagot ng ama, “Anak, isa iyan sa mga epekto ng patuloy na pagpuputol ng mga punong-kahoy sa mga bundok na nakapaligid sa malaking ilog sa ating pook. Wala nang sumisipsip ng tubig-ulan kaya hindi na mapigil ang pagdaloy ng maraming tubig-ulan sa kapatagan. At iyan ang dahilan kaya umapaw ang ilog at naging isang malaking baha na siyang kumitil sa buhay ng maraming tao at mga alagang hayop, gayundin ang sumira sa mga tahanan at ari-arian ng mga mamamayan. Kaya paglipas nito at maayos na ang lahat, sisimulan ko ang kampanya sa muling pagtatanim ng mga punong-kahoy sa kapaligiran." (Ang kuwento ay orihinal na katha ni Gng. Gemma F. Maala) Mga
Tanong: 1. Ano ang isinisigaw ni Mang Antonio? Bakit siya sumisigaw? 2. Bakit nabigla ang mga mamamayan sa Barangay Narra? Ipaliwanag. 3. Ano ang nangyari sa talata 2? 4. Alin sa kuwento ang nagsasaad ng sanhi? bunga? Magbigay ng mg halimbawa. 5. Ano-ano ang mga pang-ugnay na salita sa sanhi at sa bunga?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.