Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio? Ni Maricel T. Nucup
Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Itoý matagal nang isyu na paulit-ulit nang tinitimbang:
sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas si Jose Rizal o si Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin na ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang-bayan. Kanino ka papanig?
Answers & Comments
Answer:
Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Ito’y matagal nang isyu na paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas si Jose Rizal o Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin- ang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang- bayan. Kanino ka papanig?Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin natin ang kuwento ng “Sigaw ng Pugad Lawin,” makikita mo ang kaniyang katapangan, handa talaga siyang ibuwis ang buhay alang-alang sa bayan.Maka-Rizal: Subalit kaibigan tila ika’y nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay gumamit ng tapang at katalinuhan. Ito ang naghuhumiyaw sa kaniyang mga hindi mabilang na akdang isinulat. Kailangan ko pa bang isa-isahin ang kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo na ang aking paniniwala. Maka-Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ika’y mapapahamak sa matalim mong pananalita. Si Rizal ay puro salita lamang at kulang sa gawa. Inaanyayahan kitang mataman akong pakinggan. Si Bonifacio ay sumulat din naman ng mga akdang pumukaw sa puso ng kapwa katulad ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.” Kayat masasabi kong nagtataglay siya ng talino sa kabila ng kakulangan ng pormal na edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday ng karalitaan.Maka-Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala, baka ika’y mahulog sa balong malalim. Bagaman si Dr. Jose Rizal ay lumaki sa karangyaan, puspos pa rin ang kaniyang buhay ng mga makabuluhang karanasan. Nasaksihan niya sa iba’t ibang panig ng mundo ang bunga ng karahasan kayat ayaw niyang maganap din ito sa sariling bayan at pinili niyang daanin sa mahinahong paraan ang pagharap sa suliranin ng bayan. Ito ang itaga mo sa bato, kailanman hindi siya mapapalitan bilang dakilang bayani.Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabila’y paglabang madugo, gayundin ang epekto ng pagiging maralita at may-kaya sa paghubog ng pagkatao ng isang bayani. Kayo na ang humusga kung sino ang tunay na bayani sa isip, sa salita, at gawa: Si Rizal ba o si Bonifacio?
Explanation:
sana makatulong kahit konte