Questions


December 2022 1 1 Report
Dakila ka Sapatero! Sa gawi ng Dela Paz St., Sto. Nino, Marikina, naroon ang isang maliit na gawaan ng sapatos ni Tiyo Oly. Bata pa lamang ako nang magisnan ko ang napakasipag at napakagaling na sapatero sa paggawa ng sapatos. Nag-umpisang mangamuhan sa edad na labing-anim hanggang tumagal ng apatnapung taon. Mahusay siyang magdisenyo ng mga sapatos panlalaki at pambabae. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos heto siya, naglalapat, nagbubuo at minsan maingay pa nga dahil sa kakapukpok ng balat sa hulma. Maliit lamang ang kinikita niya kung kaya't nakapagdesisyon na magsarili na lamang. Gayunpaman, nag-umpisa sa maliit na kapital at humantong sa pagpapaunlad nito. Si Tiyo Oly ay hands-on sa kanyang gawaan habang ang kanyang may-bahay naman ay tagapag-areglo. Naranasan niya ang sobrang pagpupuyat at malipasan ng gutom dahil kailangan niyang hapitin ang mga order. Siya rin ang gumawa ng sapatos ni Pangulong Duterte kaya lalo siyang kinilala bilang tatak tibay at gawang pang world 8 City of Good Charaction DISCIPLINE GOOD TASTE EXCELLENCE 12 class. Hindi lingid sa marami na nakapagpatapos na siya ng mga anak sa kolehiyo. Nabigyan niya ng hanapbuhay ang iba at higit sa lahat naiangat niya ang industriya ng sapatos dito sa Marikina. Sabi nga niya, "ang pag-angat sa buhay ay pag-unlad ng lipunan."

Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos basahin ang kuwento ng isang sapatero?

2. Ano ang nagtulak kay Tatay Oly upang magsimula ng kanyang negosyong sapatusan?

3. Paano ka makatutulong sa pagtataya ng ekonomiya ng barangay mo para maiangat ang antas ng hanapbuhay?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.