Dahil sa problemang kinakaharap ng bawat tao,
Ano ano kaya ang mabuti mong gawin upang hindi maputol ang magandang pakikipag ugnayan mo sa iyong kapwa?
Paano mo ito maisasagawa sa kabila na ikaw ay limitado lamang na lumabas ang tahanan?
Nonsense = Report!
Answers & Comments
Answer:
May mga pangangailangan ka na maaari lamang na matugunan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan mo sa iyong kapwa. Nararapat na may lakip na paggalang at pagmamahal ang pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa (Agapay, 1991). Maunawaan mo at kilalanin na ikaw rin ay may pananagutang magbahagi ng iyong kaalaman at kakayahan sa iyong kapwa na gagawin mo nang may kalayaan, pananagutan, at pagmamahal.
Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang
Ang kakayahan ng tao na mamuhay sa lipunan at maging bahagi nito ay isang likas na katangian na ikinaiba ng tao sa ibang nilalang. Nilikha ang tao ayon sa larawan at wangis ng Diyos; binigyan siya ng kapamahalaan sa ibang nilalang; at binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. Niloob ng Diyos na ang tao ay mamuhay nang may kasama at maging panlipunang nilalang o social being at hindi ang mamuhay nang nag-iisa o solitary being. Kaya’t ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of human beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).
Ang Pakikipagkapwa at ang Golden Rule
Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba nang may paggalang at pagmamahal. Marami sa mga relihiyon sa buong mundo ang naniniwala sa kahalagahan ng mabuting pagtrato at pakikitungo sa kapwa – “Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”; “Mahalin mo ang kapwa mo gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili”; Makitungo sa kapwa sa paraang gusto mong ring pakitunguhan ka.” Ang pakikipagkapwa ay napatatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal. Ang mga birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. Kaya nga, una munang kailangang matugunan ang pagbibigay ng nararapat sa kapwa. Kailangan ang katarungan upang maibigay ang nararapat, na walang iba kundi ang paggalang sa kaniyang dignidad. Subalit mayroong mga bagay na maaari nating ibigay nang higit pa sa itinatakda ng karapatan at katarungan, ito ay ang mga bagay na ayon sa ating pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa (Dy,)
P
Explanation:
pabrainliest lang