Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita, ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at matatag na kuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagay sila ng mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Sila’y nagkasundo na pangalanan ang lugar na Baysay na may kahulugang “maganda” bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang si Bungangsakit. (II. ) Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kaniyang kabataan ay hindi sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay. Sa halip, sila’y nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi, na may kahulugang “Ang Pinakamaganda” bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit. (III. ) Sa kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upang planuhin ang kanilang mga gagawing depensa laban sa mga tulisang-dagat at upang mamatyagan ang paparating na mga vinta. (Hango sa Alamat ng Baysay (Bahagi) Sa bahagi ng akda, ilang ulit na binanggit ang salitang tulisang-dagat. Anong ibig ipakahulugan ng ganitong estilo sa isang akda?

A. Nais bigyang-diin ng may-akda ang konseptong nais ikintal ng mga pahayag.
B. Kailangan ito para sa pagpapalutang ng banghay ng mga pangyayari.
C. Tinutukoy nito ang pagpapakilala sa mga tauhan.
D. Nagbibigay rikit sa mensahe ng akda.

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.