Dahil ako ay isang diwata, ang malungkot na wika ni Carmela habang patuloy
na nalalaglag ang kaniyang mga luha sa kaniyang malaporselanang pisngi
. Ngunit
handa kitang pakasalan kahit anong mangyari, ang nakangiting wika ni Dizon. "Mahal
kita, pero kailangan mo ring maging katulad namin, para tayo ay pahintulutang
makapagpakasal", ang sagot ni Carmela. "Kung ganoon handa akong maging kagaya
ninyo", ang sagot ni Dizon ng walang anumang pag-aalinlangan. Pagkatapos mag-
usap nina Carmela at Dizon ay pumunta sila sa isang mahiwagang lupain kung saan
naninirahan si Carmela at sila ay nagpakasal.
Samantala naglaho ang kanilang maliligayang araw bilang mag-asawa dahil
biglang may lumusob sa kanilang lupain ang mga angkan ng kadiliman na kung
tawagin ay Lagablab. Ang mga Lagablab ay mga nilalang na may matutulis na pangil,
mapupulang mata na parang apoy, mabalahibo at may matutulis na mga kuko na kung
ikaw ay dambain ay mawawarak ang iyong katawan. Ito ay maihahalintulad mo sa
isang mabangis na lobo. Sila ay nagmula sa kaharian ng Liyab na naghahangad na
guluhin at sirain ang kapayapaan at kalayaan ng lahat. Pinangunahan ng mag-
asawang Carmela at Dizon ang pakikipaglaban nila sa mga Lagablab. Hindi sila
sumuko upang ipagtanggol ang kanilang lupain at sa wakas nadaig rin ng mag-asawa
ang mga Lagablab ngunit sa kasamaang palad dahil sa malalalim na sugat nila dulot
ng matutulis at matatalim na kuko ng mga Lagablab sila ay namatay
Pagkatapos ng matinding labanan, binigyan ang mag-asawa ng marangal na
libing ng mga taga lupain. Bilang pagkilala sa ipinakitang katapangan at matibay na
pag-iibigan nina Carmela at Dizon pinagkaisahan ng mga tagalupain na pangalanan
ang lupaing ito hango sa pangalan nina Carmela at Dizon at dito nabuo ang pangalang
CADIZ



GAWAIN 3
Panuto: Suriin ang mga elemento ng binasang " Ang Alamat ng Cadiz." Punan ang
graphic organizer sa ibaba.
Elemento
Ang Alamat ng Cadiz
Simula:
B. Tauhan:
C. Tagpuan:
Gitna:
Wakas:
Aral:



paki sagot plsss​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.