Questions


September 2022 1 1 Report
D. KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat kung paano mo maipakikita
ang pagkamalikhain o malilinang ang iyong talento at intindihing
mabuti ang bawat sitwasyon.
1. Nagpapatulong sa iyo sa paggawa ng saranggola ang iyong nakababatang
kapatid. Gusto mo siyang tulungang magkaroon ng saranggola ngunit
nanghihinayang ka sa perang ipambibili mo ng papel de hapon. Ang pera ay
puwede ng pambaon ninyong dalawa sa pagpasok sa paaralan. May nakita
kang mga lumang diyaryo sa inyong bakuran. Paano mo magagamit ang
iyong pagkamalikhain?
2. Pambato ka ng inyong paaralan sa tuwing may paligsahan sa pag-awit.
Ngunit kapag nasa labas ka na ng paaralan, hindi mo na nagamit ang husay
mo sa pagkanta. Minsang nagsimba ka sa kapilya sa inyong lugar, napansin
mo na walang koro na kumakanta sa misa. Paano mo maibabahagi ang iyong
talento sa pag-awit?
3. Napansin mo na hindi gaanong mataba ang napunta sa iyong lupang
pagtataniman ng gulay para sa inyong proyekto sa paaralan tungkol sa
paghahardin. Kinabukasan pagpasok mo sa paaralan ay napansin mong sa
isang gilid ng bakuran ng paaralan ay may tumpok ng mga nabubulok na
dahon na naipon, Paano mo maipakikita ang pagkamalikhain sa paglutas sa
iyong suliranin sa paghahardin?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.