Covid-19 Cases sa bansa lampas 342,000; bagong kaso sumipa ng 3,564
Philstar Ngayon,Oktubre 12,2020
MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng mga bagong hawa ng coronavirus
disease (COVID-19) sa Pilipinas, mahigit dalawang linggo bago ang pagpapalit ng quarantine
restrictions sa Pilipinas ngayong Lunes. Umabot na sa 342,816 ang kumpirmadong nagkaroon
ng SARS-CoV-2 virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 3,564 cases ngayong
hapon.
Lagpas 1,000 ang itinaas ng bagong COVID-19 cases sa Pilipinas kumpara kahapon, kung saan
2,502 lang ang newly reported cases.Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa
sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. 43,332 na lang ang nalalabing
"active cases" sa mga 'yan. Ang mga bagong cases ay sinasabing natagpuan primarya sa mga
sumusunod na lugar: National Capital Region (1,344), Cavite (215), Laguna (212), Rizal (211)
at Iloilo (164)
Lumabas ang mga naturang datos matapos makapagsagawa ng COVID-19 tests sa mahigit
3.91 milyong katao sa Pilipinas. Sa kabila niyan, 13 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng
kani-kanilang resulta sa Department of Health (DOH) kahapon. Ligtas naman na sa panganib
ang 293,152 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan ng 150 kumpara sa bilang kahapon.
Lampas 37.1 milyon na ang nadadali ngayon ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling
datos ng World Health Organization (WHO) Sumakabilang-buhay na ang 1.07 milyon sa kanila.
2. Bakit sinasabing tumaas ang bilang ng kaso sa Pilipinas?
Answers & Comments
2.)dahil and ibang tao ay hindi nakikinig sa goberno hindi sila nag so social distancing kaya dumami ang mga nag ka corona virusat ang iba ay hindi nakamask pero hindi nahuli ng mga pulis
Explanation:
sana makatulong