COMMUNITY PANTRY
Ito ay nagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa iba lalong lalo na sa mga taong
nangangailangan. Marami din ang nagbabahagi ng anumang kanilang kayang ibigay. Ang
pagmamahal sa kapuwa ay pagmamahal sa Diyos.
Ano ang Community Pantry ?
Anong aral ang nais iparating sa atin sa pagtatayo ng mga community pantries sa ilang lugar?
Answers & Comments
Ano ang Community Pantry?
Ang community pantry ay isang non-governmental organization na naglalayong tulungan ang mga mahihirap na makaraos. Nagbibigay sila ng mga libreng pagkain, canned goods at iba pa para sa mga kapos palas.
Anong aral ang nais iparating sa atin sa pagtatayo ng mga community pantries sa ilang lugar?
Sa gitna ng laban sa pandemya, kung saan walang kasiguraduhan lahat ng mga bagay, tayo ay magtulungan. Sa paraang ito, marami tayong buhay na maliligtas. Ang pagtulong ay isang gawaing ikinalulugod ng Diyos. Pinagpapala niya yaong matulungin at buong pusong naghahandog.