Questions


September 2022 1 2 Report
III. Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang mga kasunod tanong. Bilugan ang titik na iyong sagot.
Mga Gumaling sa COVID-19 sa Nueva Ecija, 26 na
LUNGSOD NG CABANATUAN, Mayo 5 (PIA)-Tumungtong na sa 26 ang kabuuang bilang aga mga gumaling
na pasyente ng corona virus disease o COVID-19 sa Nueva Ecija, Ito ay batay sa naging pag-uulat ng Nueva Ecija Inter.
agency Task Force ngayong araw, Mayo 5. Pahayag ni NE IATF Spokesperson Father Arnold Abelardo, kabilang sa
mga gumaling ay ang apat na pasyente mula sa lungsod ng Cabanatuan.
Sila ay sina Patient No. 4, 63 taong gulang sa barangay Santa Arcadia, Patient No. 11 na 25 taong gulang na
mayroong travel history sa France at Taguig at si Patient No. 25,52 taong gulang mula sa barangay Bonifacio.
Kasama din sa mga bagong nadagdag na mga gumaling ay ang nars mula sa bayan ng Rizal, at tig-isang pasyenteng
residente ng mga bayang Cuyapo, Quezon at San Isidro.
Paalala ni Abelardo sa lahat ay manatili lamang sa mga tahanan, parating maghugas ng kamay at magpalakas
ng katawan at doblehin ang pag-iingat lalo ngayong mabagal ang pagdating ng mga resulta ng laboratory test dahil sa
dami ng mga sinusuring pasyente. Para naman aniya sa mga gumaling na ay patuloy pa ding maging maingat upang
masigurong hindi manumbalik ang naturang sakit. (CLJD/CCN-PIA 3)
a. 25
c. 26
Mga Tanong:
1. Patungkol saan ang balita?
a. Ang balita ay tungkol sa pasyenteng gumaling mula sa sakit na COVID-19 sa Nueva Ecija
b. Ang balita ay tungkol sa pasyenteng gumaling mula sa sakit na COVID-19 sa Nueva Viscaya
c. Ang balita ay tungkol sa mga taong nagkasakit ng COVID-19 sa buong Plipinas,
d. Ang balita ay tungkol sa mga taong gumaling sa sakit na COVID19 sa buong Pilipinas,
2. Ayon sa balita, ilan ang mga pasyenteng gumaling na sa lugar na nabanggit?
b. 63
d. 11
3. Sa palagay mo, maaari pa bang manumbalik ang sakit na COVID -19 sa sinumang tinamaan na nito?
a. Opo, kapag nakipagkaibigan sila sa mga taong may ubo at sipon.
b. Opo, kapag namasyal sila sa bukid at naligo sa dagat.
c. Opo, kapag sila ay lumabas ng bahay na walang face mask at may nakasalimuhang may sintomas ng COVID
at nahawakan nila ang kanilang mukha nang hindi naghuhugas o nagsanitize ng kamay,
d. Hindi po dahil isang beses lang maaaring tamaan ng COVID-19 ang bawat tao sa mundo,
4. Sang-ayon ka ba sa sabi-sabing matatanda lamang ang tinatamaan ng sakit na COVID-19? Bakit?
a. Hindi po dahil bata man o matanda ay maaaring tamaan ng sakit na ito lalo na kung sila ay hindi naghuhugas
ng kamay at may mahinang pangangatawan.
b. Hindi po dahil lahat ng matitigas ang ulo ng mga bata kaya maaari din silang tamaan ng sakit na COVID-19
c. Opo dahil hindi pa tinamaan ng sakit na ito ang ate at kuya ko na nasa hayskul.
d. Opo dahil mahina na ang kanilang pangangatawan at may mahinang katawan lang tinatamaan ng sakit na
ito.
5. Bakit kailangan nating sumunod sa patakaran na inilunsad ng ating pamahalaan ukol sa COVID-19?
a. Kailangan nating sumunod upang ang lahat ay maging maayos ang kalagayan at hindi na maghirap.
b. Kailangan nating sumunod upang hindi tayo tamaan ng sakit at malwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit
na COVid-19.
c. Kailangan nating sumunod upang tayo ay manat malakas at matatag.
d. Lahat ng nabanggit.

Paki sagot po ng maayos test po yan kailangan ko na po kasi eh
Salamat po ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.